Chapter 30Sa hapag-kainan ng mansyon, tahimik na umiikot ang mga kasambahay, abalang nagsasalin ng sabaw at nagdadala ng mga ulam. Subalit sa gitna ng kasaganahan, ramdam ang bigat ng tensyon sa mesa.“Amara,” mahinang sabi ni Don Lorenzo, sabay tingin sa dalaga sa dulo ng mesa, “dahan-dahan ka lang kumain.”May lambing sa tinig ng matanda na parang ama na nag-aalala sa anak. Ngunit sa likod ng kanyang ngiti, nakatago ang matalas na obserbasyon.“Opo, Lola. Na-miss ko lang ang luto ng head chef dito. Masarap pa rin at walang pinagbago,” ani Amara. Hinayaan niyang dahan-dahang lumamig ang pagkain sa harap niya habang pilit niyang sinusuri ang bawat kilos ni Elara na kasalukuyang abala sa pagkain ng tinolang may sayote.Gusto niyang tumayo, lapitan ang bata, yakapin ito, alamin kung paano siya napunta sa Manila at higit sa lahat, kung sino ang nagdala sa kanya rito.Nasaan sina Levi at Caleb? Andito rin ba sila? Kailangan niyang makausap si Elara pero paano. At... paano kung tama nga
Last Updated : 2025-08-02 Read more