Chapter 85Bago pa makapagsalita si Levi ay tumatakbo na si Caleb papunta sa pinto. Wala silang choice, kaya sumunod na rin si Levi at Elara.Sa labas ng hallway ay nag-uumapaw ang tao dahil sa nangyari. May mga bisitang nagbubulungan, may mga nagkukumpulan at pinag-uusapan ang nasirang event, ang kahihiyan ni Ysabel, at ang pag-alis ni Argus na galit na galit. Sinubukan ng triplets na makihalo, ang maliliit nilang katawan sumisingit sa pagitan ng mga gown at suit, ang mga mata’y paikot-ikot na nagahanap ng kahit anong bakas ng kanilang ina.“Mommy?” mahina pero nanginginig na tawag ni Elara.“Don’t shout,” Levi warned, kahit siya mismo nanginginig ang boses. “What if someone hears us and stops us?”“We need to find her fast,” bulong ni Caleb, nakakunot ang panga habang mabilis na ini-scan ang crowd. “She hates big crowds… she wouldn’t just leave.”Patuloy silang sumiksik sa gitna ng mga tao, habang bawat tibok ng puso nila’y bumibilis. Pero wala pa rin.Nanlumo si Elara, at kinagat
Last Updated : 2025-08-31 Read more