Share

Chapter 64

last update Huling Na-update: 2025-08-19 16:21:00

Chapter 64

Sa hallway ay nakasandal si Argus sa malamig na dingding. May sinding sigarilyo sa bibig, pero halos hindi niya ito nilalasahan. Ang usok lang ang lumalabas sa ilong niya—mabigat, gaya ng damdaming hindi niya maipaliwanag.

Galit ba siya? O nasasaktan lang? O baka naman... nagsisisi?

Hanggang sa maubos niya ang sigarilyo, saka lang bumukas ang pinto.

Lumabas si Amara. Suot niya ang long-sleeved shirt ni Argus—maluwag, pero buo ang tindig at taas-noo. Hindi niya binawi ang tingin kay Argus habang papalapit.

“Yung tungkol sa ten million mo.” Malamig ang boses ni Argus. “Tandaan mo ‘yon. Don't do stupid pranks again.”

Tahimik si Argus, walang sagot, pero nagdilim ang mga mata niya.

“Bukas tatawagan kita,” dagdag pa ni Amara, mariin. “Ipapadala ko ulit na ang divorce papers. Pirmahan mo agad.”

Sandaling natawa si Argus, mapait, bago siya tumugon. “Divorce? Amara, huwag kang magpanggap na para bang mababawi mo lahat kapag nawala na ako sa papel mo.”

Mariing nagtaas ng kilay si Am
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
hays. kilan niya kaya malalaman about sa triplets
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
haha ms Author exciting yung mangyayari pag nalaman ni argus tungkol sa triplets
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 110

    Chapter 110Kinabukasan ng umaga ay natatakot pa rin si Amara sa nangyari kahapon kaya’t may kaba niyang pinapasok sa paaralan ang mga anak.Nang makita ni Celine na malungkot ang itsura ni Amara, iniangat niya ang kamay at hinawakan ang noo nito. Tama ang hinala niya na may sakit ito. “May lagnat ka ba?” kunot noong tanong nito.Hinawakan ni Amara ang sariling mukha at kumuha ng bote ng mineral water sa sasakyan para uminom. “Sinat lang.”“Grabe, ang pula ng noo mo, puwede nang magprito ng itlog. Halika na, punta tayo sa ospital.” Nag-aalala nitong ssabi.Umiling siya. “Ayos lang ako. Uminom na ako ng gamot pampababa ng lagnat. Mawawala rin ito.”Napabuntong hininga si Celine. “Bakit ka biglang nagkasakit? Dahil ba natakot ka kahapon?” Napakagat si Amara sa maputlang labi.Dahil sa nangyari kahapon, puro bangungot ang napanaginipan niya buong gabi. Laging nandoon sina Argus at Ysabel, hinahabol siya at ang tatlo niyang anak habang nakalabas ang mga pangil at kuko, sinasabing hindi

  • Triplets and a Second Chance    Chapter 109

    Chapter 109Samantala, sa bahay ni Amara…Nakaalis na ang mga magulang ng mga bata. Tahimik na nakaupo si Amara sa sofa, tulala, parang lumulutang pa rin sa nangyari kanina.Lumapit si Celine, marahang minasahe ang balikat niya. “Amara, ayos ka lang ba?”Bahagyang tumango si Amara, hinahabol ang hininga. “Nakatulog na ba sila?”“Oo, sobrang pagod sa laro buong araw kaya agad silang nakatulog. Pero, Diyos ko… sobrang nakakatakot ang nangyari kanina. Para tayong nilusob ng bagyo.”Napahigpit ng hawak si Amara sa kanyang tuhod. “Oo… pero ano ang susunod kong gagawin? Paano ko mapoprotektahan si Elara?”“Huwag kang mag-alala. Dumating sila rito kanina at walang napatunayan. Malamang hindi na sila basta-basta babalik.” Umupo si Celine sa tabi niya, mahigpit na tinatapik ang kamay ng kaibigan.“Hindi ko mapigilang mag-alala kay Ysabel. Paano niya nalaman na si Elara ang anak ko? Parang sigurado siya kanina…” Pero nanlilimahid ng kaba ang mga mata ni Amara.“Baka… baka aksidente lang. Baka

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 108

    Chapter 108Samantala, sa kabilang panig ay hindi mapalagay si Ysabel. Hindi siya makatulog, inuukit sa isip niya ang mukha ni Elara.Hindi… hindi ako nagkakamali. Anak siya ni Amara. Pero bakit sinasabi na walang relasyon sa dugo? Paano nangyari iyon?“Anak, anong iniisip mo’t mukhang pasan mo ang mundo?” tanong ng kanyang ina na si Lilian, habang nilalapitan siya.Nag-angat ng tingin si Ysabel, mabigat ang boses. “Mom… I discovered something. Buhay pa ang anak ni Amara.”Nanlaki ang mga mata ni Lilian. “Ano? Hindi ba’t matagal nang sinabi… na pina-abort ang bata?”Umiling si Ysabel, pero may alinlangan. Dahan-dahan niyang ikinuwento kay Lilian ang buong pangyayari.Hindi makapaniwala si Lilian, hawak ang braso ng anak.“Diyos ko, Ysabel… dinala mo pa talaga Luciana at si Argus doon? Hinanap ninyo ang bata?” “Yes.” Tahimik na tumango si Ysabel.Mariin siyang tiningnan ng ina, halatang nag-aalala.“Oh, anak ko…” bulalas ni Lilian, “…mabuti na lang at hindi naniwala sa’yo si Luciana k

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 107

    Chapter 107Sandaling kumirot ang dibdib ni Amara pero hindi siya nagpahalata. Mabuti na lang at inimbitahan ni Elara ang mga kaibigan niya ngayon… kung hindi, baka nahuli nila ako.Ngunit mabilis na sumabat si Celine, nagpakawala ng mapait na ngiti pero hindi nagpatinag.“Ako ang may paliwanag diyan,” kalmado niyang sambit. “Plano ko sanang dalhin si Elara dito na kami manirahan. Pero wala pa akong nakikitang maayos na bahay, kaya’t pinahiram kami ni Miss Amara ng tirahan pansamantala. Ang mga batang ito—” itinuro niya ang mga nakatinging bata, “—mga kaibigan lang ni Elara sa eskwela. Dumalaw sila para makipaglaro.”Diretsong nagsinungaling si Celine, ngunit parang totoo ang tono dahil walang panginginig, walang pag-aalinlangan.Napatigil si Argus, pero hindi pa rin kumbinsido.“Masyado yatang pilit ang kwento mo,” malamig niyang sambit.Umiling si Celine, pilit na ngumingiti ng mapait.“Argus, hindi ko na alam kung anong iniisip mo. Pero simula nang magkita tayo, para bang pinagdud

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 106

    Chapter 106Pagdating nila sa pintuan ng bahay ni Amara ay naroon na rin ang locksmith. Bahagyang ngumisi si Ysabel, puno ng kasiyahan at tusong tagumpay ang kanyang mga mata.Ngayon… mahuhuli ka na namin, Amara. Ikaw at ang bata mo, wala na kayong ligtas.Mabilis at sanay ang kilos ng locksmith. Ilang sandali lang, bumigay ang kandado ng bahay at bumukas ang pinto.Sa loob ay may palabas na cartoon na umaalingawngaw mula sa telebisyon. Walang nakakaalam tao sa loob na may nangyayari sa labas ng pintuan.Hindi na nakapaghintay si Doña Luciana. Sa sobrang pananabik na makita ang kanyang apo ay diretsong pumasok ito sa loob, nakalimutan ang pagiging elegante at disente bilang isang ginang.Ang biglaang pagsalakay nila ay ikinagulat ng lahat ng naroon sa bahay.Napatigil si Doña Luciana nang makita ang isang batang nakatingin sa kanya mula sa sofa. Napuno ng luha ang kanyang mga mata sa isang iglap. Lumuhod siya at walang alinlangang niyakap ang bata.“Apo ko!” bulalas niya, nanginginig

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 106

    Chapter 106Nagulat si Doña Luciana at si Ysabel. Hindi nila akalain na sasabihin iyon ni Argus sa mga sandaling iyon. Pinoprotektahan ba niya si Amara?Kagat-kagat ni Ysabel ang kanyang labi at pinahina ang tinig, “Hindi, Argus. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung naging mas maingat lang ako noong mga araw na iyon, limang taon na ang nakalipas, hindi sana kita ginulo.”Habang nagsasalita ay iniunat ni Ysabel ang kanyang mga kamay, niyakap si Argus at mahinang umiyak sa kanyang dibdib, tila ba lubos na nagsisisi. “Argus… kahit ilang beses kong sabihin, hindi ko na mababawi ang nakaraan. Pero sana, sana magtiwala ka na gusto ko lang ng kapatawaran,” dagdag pa nito, habang ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa pekeng paghikbi.Ibinaling ni Argus ang kanyang mga mata pababa at iniangat ang kamay upang itulak palayo si Ysabel mula sa kanyang mga bisig. Matalim ang tingin niya, malamig, at walang bakas ng pag-aalaga. “Ysabel, huwag mo na akong saktan pa. Tigilan mo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status