"M-Magnus?" natutulalang tanong ni Cecelia. Sino ba kasing matino ang aasang dadalawin siya ng taong alam niyang wala namang gusto sa kanya? Nakasuot ito ng itim na custom-made suit, puting shirt na nakabukas ang dalawang butones, black slick-trousers at pinaresan ng itim at makintab na loafers. Nakahawi patalikod ang makintab nitong buhok na tila nahulugan ng gel. Kitang-kita ang tattoo nito sa leeg at kamao. Matalim ang panga, malalim ang pisngi, malamig ang abuhin nitong mga mata, matangos ang ilong, malapad ang dibdib at maliit ang beywang. Ngayon niya lamang nabigyan ito ng tamang description. He looked lika a mafioso Leonardo Dicaprio. Kahapon ang huling pagkikita nila, doon sa magulong family gathering ng pamilya nito, na hinahamon ang pagiging pasensyosa niya. Unang sulyap pa lamang kay Magnus ay parang masasangkot ulit s'ya sa gulo. He’s like a harbinger of ruin—wherever he goes, calamity follows, dragging you helplessly into the storm he calls presence. "Bawal ba'ng dal
Huling Na-update : 2025-07-29 Magbasa pa