“Amâ, hindi ako magtatanong o ni panghihinaan ng loob. Sa pagka’t batid ko na ang lahat ng ito ay may dahilan. Kung ito man ay bahagi ng aking pagsubok upang sukatin ang aking katatagan, malugod ko itong tatanggapin. Batid ko na bago pa man dumating sa akin ang pagsubok na ‘to ay nagpadala ka na ng mensahe sa pamamagitan ng mga panaginip. Ama, hindi ako natatakot, at matapang ko itong haharapin sapagkat nalalaman ko na hindi mo ako iiwan. Ipagkakatiwala ko sayo ang lahat pagka’t kailanman ay hindi mo ako pinabayaan…” Pagkatapos ng isang taimtim na panalangin ay umalis ako mula sa aking kinaluluhuran. Naupo sa gilid ng kama habang inaayos ang rosaryo sa kamay ko. Sandali kong sinipat ng tingin ang kabuuan ng aking silid. Maaliwalas naman ang buong silid, at halatang alaga ito sa linis. Lumitaw ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang mga larawan naming mag-anak. Si Papâ na nakatayo sa aking likuran habang ang isang kamay nito ay nakapatong sa balikat ko. Nakaakbay naman an
Last Updated : 2025-08-18 Read more