“Sweetheart, aalis na ‘ko!” Pasigaw na paalam ni Alexander, upang marinig ko ang kanyang sasabihin. Kasalukuyan akong nasa loob ng banyo, para lang maghilamos at mag toothbrush. Sakto naman na patapos na ako ng magpaalam ang asawa ko. “Alexander, hindi ka na naman ba sasabay sa akin sa agahan?” Tanong ko habang maingat na humahakbang palabas ng banyo. Medyo nahihirapan na akong maglakad dahil hindi biro ang laki ng tiyan ko. Subalit, natigilan ako ng sumalubong sa akin ang bakanteng silid. Wala na ang aking asawa, parang imahinasyon ko lang yata ang narinig kong nagsalita kanina. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatulala sa hangin, habang ang mga mata ko ay nanlalabo dahil sa namumuong luha. Nang pumikit ang aking mga mata ay tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa aking pisngi. Ang bigat ng dibdib ko, pakiramdam ko ay para na itong sasabog. Huminga ako ng malalim habang pilit na kinakalma ang aking sarili, dahil ramdam ko ang pamumuo ng tensyon sa aking katawan. Marah
Last Updated : 2025-08-30 Read more