Ximena “Aakyat na ako sa taas para magluto ng lunch sana. Pero kung aalis ka, huwag na lang,” malamig kong sambit kahit pakiramdam ko ay sasabog na ako sa inis. Hindi ko rin alam kung saan ko hinugot ‘yung kakalmado kong boses, kasi deep inside, nagwawala na talaga ako. Syempre, hindi ko siya pwedeng sigawan o komprontahin dahil baka magtaka si Annie. “No. Hindi ako lalabas. Sa taas ako kakain,” mabilis niyang sagot habang binibitawan si Annie. “Ako din!” singit pa ng babae, na may pa-cute pang tono. Wow, ang bilis maka-volunteer ah? Ano ‘to, feeding program? Napataas agad ang kilay ko nang wala sa oras, at oo, alam kong napansin nila ‘yon. Napatingin ako kay Azael, umaasang sasabihin niyang “Hindi na, Annie, wag ka nang mag-abala” o kahit anong pagtutol, pero wala. Tahimik lang siya, parang masaya pa yata na may kahati ako sa atensyon. “Okay,” pilit kong sagot na may ngiti sa labi. Pero naku, kung makikita lang nila kung gaano na nagpuputok ang butse ko sa loob! Wow ha, Ximena the
Last Updated : 2025-08-23 Read more