Ximena“Celine, ‘wag mo akong ipahiya kay Mr. Roccaforte. Sinabi ko nang professional at magaling ka, kaya iyon ang dapat mong ipakita sa kanya.” Mariin ang boses ni Direk, puno ng awtoridad, ngunit parang dumaan lang sa tenga ng babae.Napairap si Celine at padabog na ibinato ang hawak niyang tuwalya sa upuan. “Ako pa talaga ang may kasalanan, Direk? Grabe ka naman. Sinabi ko lang na mainit dito! Ang kapal nga ng ilaw sa set, parang sauna. Bakit kasi hindi kumikilos ang assistant na ‘yan? Wala bang pake?” Hindi maitatago ang iritasyon sa tono niya, may halong pang-aalipusta pa.Hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako, bahagyang umangat ang boses. “Miss Celine,” mariin niyang sabi, kahit pilit pinapakalma ang sarili, “kagaya ni Sir Roccaforte, nandito ako para panoorin ang ginagawa niyo. At simula nang umalis siya, ako ang naatasang mag-report ng lahat ng nangyayari rito. Kaya kung patuloy kang ganyan, siguradong malalaman niya agad.”Sandaling natahimik ang paligid. Ramdam ang tensy
Last Updated : 2025-08-20 Read more