Azael Limang taon na pala. Limang taon mula noong araw na sinabi ko sa harap ng altar na “I do,” at hanggang ngayon, tuwing naririnig ko ‘yon sa isip ko, parang lagi pa ring bago. Limang taon ng tawa, away, kulitan, at tuloy-tuloy na pagmamahalan. At sa bawat gising ko, una ko pa ring nakikita si Ximena, ang babaeng siyang nagbigay sa akin ng masarap na tulog at patuloy na nagbibigay sa akin ng peace of mind. “Dad! Dad! Si Ava na naman po ang gumamit ng crayons ko!” sigaw ni Asher, ang panganay namin na apat na taong gulang. Sumunod na tumakbo si Ava, tatlong taon, hawak-hawak ang crayon na parang trophy. “Hindi totoo! Si Asher ang nagsimulang mang-asar!” Napailing ako, pero napangiti rin. “Okay, both of you, crayons down, peace sign up.” Sabay silang nagtaas ng kamay, nakangiti na agad pagkatapos ng ilang segundo. Ganito kami halos araw-araw, gulo, ingay, pero puno ng saya. Habang pinagmamasdan ko silang naghabulan sa garden ng mansion ng aking lolo at lola, ramdam kong iba
Last Updated : 2025-10-26 Read more