XimenaPagdating namin sa conference room, halos sumalubong agad sa akin ang bigat ng atmosphere. Parang ang hangin mismo ay puno ng tension. Malaki ang table na gawa sa dark oak, polished, makintab, at halatang mamahalin. Nakapalibot dito ang mga leather chairs na kulay itim, at nasa dulo, sa pinaka-head seat kung saan ang pwesto ni Azael.Malamig ang tingin niya, straight ang posture, at wala man lang bakas ng kaninang usapan namin sa elevator. Kung hindi ko lang siya kilala, baka isipin kong wala siyang ibang iniisip kundi business. Pero ako, alam kong hindi pa rin siya okay. The way his jaw clenched, the way his fingers tapped on the table, lahat iyon silent signs na may dinadala pa rin siyang tampo.Umupo ako sa tabi niya, pero pakiramdam ko, may invisible wall na humahati sa amin. Yung tipong kahit i-inhale ko lahat ng lamig ng aircon sa loob ng conference room, hindi ko mararamdaman ang presensya niya. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin, kahit isang beses. Ouch. Talagang dead
Dernière mise à jour : 2025-09-07 Read More