Pagkatapos ng tensyonadong eksena sa function hall, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang huminga nang maayos. Para akong nalunod sa mga tingin, sa mga bulungan, at higit sa lahat, sa mga salitang binitawan ni Isabelle.Nanlalamig ang mga kamay ko, hindi dahil sa aircon kundi dahil sa tensyon na nararamdaman.“Let’s go,” malamig at mariing bulong ni Sandro sa tainga ko habang hawak pa rin niya ang aking kamay. Hindi iyon pakiusap, isa iyong utos.“Sandro—” mabilis na sumabat si Isabelle nang napansin ang pagpihit namin patalikod. Agad siyang nakalapit sa amin. “Come on, don’t be so dramatic. Kakapasok lang natin, aalis na agad kayo? Everyone just wants to know—”“I said that’s enough.” Hindi na siya tumingin kay Isabelle pagkatapos niyang sabihin ‘yon, diretso lang kamu sa paglalakad palabas habang mahigpit ang hawak niya sa akin. Hindi na niya hinayaan pang may makapigil. Kahit si Isabelle na halatang gusto pa siyang habulin, hindi na binigyan ng pagkakataon.Ramdam ko ang tingin ng la
Huling Na-update : 2025-08-17 Magbasa pa