Araw ng Sabado. Tahimik ang buong bahay, tanging kaluskos ng hangin sa mga dahon at tilamsik ng tubig mula sa hose ang maririnig.Maaga akong nagising—mas maaga pa kaysa kay Sandro, at pinili kong lumabas sa hardin para tumulong kay Mang Goryo sa pagdidilig.Naka-rolyo lamang ang mga manggas ng suot kong lumang blusa, at basa na halos ang laylayan ng cotton shorts ko mula sa ambon ng tubig sa mga halaman.Sa gitna ng mga tanim na gumamela, rosemary, at lagundi, pakiramdam ko’y humihinga ako muli—malayo sa tensyon ng opisina, sa bigat ng mga salita ni Isabelle, sa mga tanong na hindi ko pa rin masagot hanggang ngayon.“Dahan-dahan lang po diyan, Ma’am Lorraine,” sabi ni Mang Goryo, habang nag-aayos ng mga paso sa kabilang gilid.“Okay lang po, Mang Goryo,” sagot ko, bahagyang nakangiti. “Mas gusto ko pong nagkakalikot ng lupa kesa sa magbabad sa harap ng laptop buong araw.”Napahagikhik naman ang matanda. “Mukhang kayo na talaga ang tunay na asawa ni Sir Sandro. Gan’yan na gan’yan si M
Huling Na-update : 2025-07-30 Magbasa pa