Pagkalipas ng ilang minuto, matapos magsimula ang main course at muling sumigla ang mga pag-uusap sa mesa, marahan akong tumagilid paharap kay Sandro. “Sandro, I’ll just go to the bathroom,” bulong ko sa kan’ya.Kaagad siyang lumingon sa akin, ang mga mata’y puno ng pag-aalala. “Gusto mong samahan na kita?” alok niya, bahagya siyang nakahilig palapit sa akin na para bang hindi siya mapapalagay na hahayaan akong mag-isa.Ngunit umiling ako at marahang hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. “No, it’s fine. I can manage. I’ll be quick.” Sinubukan ko siyang bigyan ng ngiti, sapat na para ipakita sa kan’yang ayos lang ako.Sandali siyang tumitig sa akin, tila nagdadalawang-isip, bago siya marahang tumango. “Alright. Just call me if you need anything,” sabi niya, ang tinig niya’y mababa at puno ng pag-aalala.Tumango ako at tumayo pagkatapos. Aksidente namang dumako ang tingin ko sa ina ni Sandro na nakatingin pala sa amin, parang nagtataka kung ba’t ako tumayo bigla. Nginitian ko na l
Huling Na-update : 2025-08-23 Magbasa pa