ISABELLA’S POVIsang linggo na ang lumipas mula nang dumating si Sir Real sa Hale & Co. So far, naging maayos naman ang transition niya sa bagong posisyon. Tahimik lang siya, observant, at kung hindi ko alam ang reputation at connections niya, iisipin mong isa lang siyang simpleng bagong hire na eager matuto. Wala kang makikitang yabang o arte.Wala pa kaming masyadong interaction—minsan lang kami nagkakasabay sa pantry, o kung may tanong siya tungkol sa orientation materials o status ng strategy files. Dumadaan lang siya sa desk ko, at mabilis lang ang usapan.Pero napapansin ko, parang laging may “timing” ang paglapit niya.Minsan, kakalapit pa lang niya sa table ko, biglang lalabas si Sir Sebastian sa opisina.Magbibigay ng folder, magtatanong ng update, o minsan uutusan ako tungkol sa kung anong department coordination.Sa una, inisip kong coincidence lang.Pero paulit-ulit na.Paulit-ulit din akong napapaisip—baka hindi l
Huling Na-update : 2025-08-05 Magbasa pa