Tatlong araw na ang lumipas mula nang makausap ni Isabella si Atty. Ramirez. Wala pa ring malinaw na update mula sa presinto, pero at least ngayon, alam na nila kung anu-ano ang mga dokumentong kailangan. Unti-unti, kahit papaano, parang may direksyon na sa gitna ng madilim na phase ng buhay nila.Sa office, balik na rin siya sa usual routine like meetings, emails, revisions, schedules. Pero iba na siya ngayon. Hindi na siya yung dating tahimik lang sa isang sulok, o takot na makialam. May lakas na siyang natutunang ilabas, kahit minsan nanginginig pa rin ang tuhod niya“Miss Isabella, nga po pala, napadaan lang po ako to let you know. Updated na po yung logistics report,” sabi ng junior staff habang papalapit sandali sa desk niya. “Na-double check na rin po namin yung figures, and naka-upload na po siya sa shared folder.”“Great, paki-email na lang po sa akin before 3.”Nginitian lang ako ng staff tsaka umalis.Nagtuloy ang araw na parang normal l
Terakhir Diperbarui : 2025-07-25 Baca selengkapnya