TUMAYO ako mula sa aking opisina at lumabas. Kailangan ko nang maghanda ng mga gamit ko at hindi na ako dapat mag-aksaya pa ng oras. Kailangan ko nang pumunta ng Isabela para makita si Freya. Kahit na matagal na noong huli kaming nagkita ay sigurado ako na hindi pa rin lumilipas ang galit niya sa akin, pero kahit na ganun ay handa kong gawin ang lahat makuha lang siyang muli.Umuwi ako ng bahay. Doon na kasi ako nakatira at pagpasok ko pa lang ay narinig ko na kaagad ang sigaw ng aking ina mula sa pangalawang palapag. Sa tanda kong iyon ay ito pa lang ang unang beses kong narinig na sumigaw siya kaya natulos ako mula sa aking kinatatayuan.“Sa babae mo ka na naman pupunta ha?!” tanong nito sa aking ama. Natigilan ako. Hindi ko alam na alam na pala niya ang pagkakaroon ng babae nito kahit na ginawa ko naman ang lahat para hindi umabot dito ang balitang iyon.“Pwede ba Amelia, tigilan mo ako.” walang emosyong sagot ng aking ama.“Anong tigilan? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Hindi
Last Updated : 2025-09-14 Read more