“SIGURADO ka ba talaga na okay lang sayo na nandito ka?” tanong sa kaniya ni Iris. nasa harap sila ng mesa ng mga oras na iyon. Tapos na kaming kumain at nag-uusap na lang kami tungkol sa ilang mga bagay.Agad naman na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya. “Bakit mo naman nasabi yan?” nagtataka kong tanong sa kaniya.“E kasi, CEO ka. Tapos nandito ka personally. Talaga ba? Hindi ba at sobrang busy mo?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.Bago ko pa maibuka ang bibig ko para makasagot ay nauna na si Kian na sumagot. “Hindi naman po siya magtatagal dito Miss Iris. isa pa, sa pagkakaalam ko ay may business trip si sir next week kaya baka bukas lang ay babalik na rin siya ulit.” sagot nito habang nakatingin kay Iris.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. Well, sa totoo lang ay isang araw lang talaga ang plano ko na magtagal doon pero parang ayoko pang bumalik. Isa pa, hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin mawala-wala sa isip
Last Updated : 2025-09-12 Read more