NATIGILAN si Angelo nang marinig niya ang sinabi ni Stacey. Agad na nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay at hindi makapaniwalang napatingin dito na para bang isang malaking pagkakamali ang kanyang narinig.“Stacey, what? Seryoso ka ba?” hindi niya alam kung ano ang dapat niyang itanong dahil sa sinabi nito.Samantala, sunod-sunod naman ang naging paglunok ni Stacey. ‘Shit, ano bang ginawa ko? Bakit ko ba sinabi iyon?’ hindi niya napigilang sabihin sa loob-loob niya.Akala niya ay sa sarili niya lang iyon nasabi ngunit hindi niya akalain na nasabi niya talaga dito iyon. Halos mamula ang kanyang mukha sa sobrang kahihiyan. Mabilis siyang napayuko at napatakip sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay. Hiyang-hiya talaga siya. “Pa-pasensya na po kayo sir. Uhm, kunwari ay hindi niyo na lang iyon narinig. Medyo, nawawala kasi ako sa katinuan ko ngayon kaya ko nasabi iyon.” sabi niya at pagkatapos ay mabilis na tinalikuran ito.Ramdam niya ang labis na pag-iinit ng kanyang mukha. Na
Last Updated : 2025-11-14 Read more