"Talaga, 'nak?" Bakas ang tuwa sa boses nito. "Opo, Ma. Excited na po akong malaman niya ang tungkol sa baby namin." "Ako rin. Excited na para sa 'yo. Basta, mag-iingat ka diyan, ha? Huwag mo na kaming alalahanin dito, mag-enjoy ka diyan. Kami na ng kapatid mo ang bahala sa papa mo, basta diyan ka na sa asawa mo. Kung nagtatampo pa rin, huwag kang mapapagod na suyuin, okay?" Napangiti siya. "Opo, Ma. Balitaan n'yo po ako palagi tungkol kay papa, ha?" "Sige, 'nak. Ingat ka diyan, ha? Iyong mga gamit mo, lalo na ang kuwintas, ingatan mo iyan, ha?" "Iingatan ko po, Ma." "Sige. Magpatulong ka kay Nick para mahanap mo na kung sino ka talaga." Tumango-tango siya na animo'y nakikita ng mama niya. Pagkatapos niyang makipag-usap sa mama niya, sinubukan niyang tawagan ang numero ni Nick, pero out of reach iyon. Bakit out of reach? Nakapatay ba ang cellphone niya? Nang hindi ma-contact si Nick, si Rome ang tinawagan niya. Nagri-ring ang cellphone nito. Nagtaka siya na
閱讀更多