"ARE YOU SURE, MISS?" Napailing-iling na lamang ang babaeng nasa information desk na kanina pa kinukulit ni Nick. Pang-ilang balik na niya sa hospital na iyon at ramdam niyang nakukulitan na ang babae sa kan'ya. Ngunit ayaw niyang basta sumuko. "Sir, naman. Every other day ay bumabalik kayo rito para itanong ang pangalan ng babaeng hinahanap n'yo. Pero pare-pareho lang po ang isasagot ko sa inyo. Wala ho talagang pasyente rito na ang pangalan ay Amaya Shannel Angeles-San Martin." "Pero, Miss, baka--""Sir, wala ho talaga." Putol nito sa sasabihin niya. Halatang nagpipigil lang ito na singhalan siya. "Kung nandito man ho talaga ang babaeng hinahanap n'yo, bakit hindi ko naman ho sasabihin sa inyo?" "Saka, Sir, nakailang pasok na kayo sa loob para lang siguraduhing wala siya rito at hindi n'yo siya nakita rito, hindi ba?" dagdag pa ng babae sa information desk. "Sa ibang hospital n'yo na lang ho hanapin. Baka nando'n ang asawa n'yo." Suggestion pa nito sa huli.
Read more