Umiling-iling ang Don. "Huwag ka nang magsinungaling dahil lalo lang akong nasusuklam sa 'yo, Dad!" Napaiyak na lang si Donya Martina dahil sa pag-aaway ng mag-ama niya. "Masuklam ka na, pero wala akong aaminin. Wala akong alam diyan sa sinasabi mo, Nicholas. At oo, aaminin ko na ayoko kay Aya para sa 'yo. Hindi ko siya gusto para maging asawa mo, aminado ako sa bagay na iyan. Pero kahit patayin mo ako ngayon ay hinding-hindi ko aaminin ang ibinibintang mo dahil hindi ko frename-up si Aya." "Talagang paninindigan mo iyang kasinungalingan mo, Dad? Ano bang akala mo, na mapapaikot mo na naman ako?" Umiling-iling si Nick. "Not ever again, Dad. Nakausap ko ang kapatid ni Aya, nalaman ko ang ginawa mo. Pinuntahan mo si Aya sa bahay nila at nagdala ka ng mga larawan ko kasama si Eunice, hindi ba?" Natameme si Don Fausto. "Sinubukan mo siyang bayaran ng pera para iwan ako, 'di ba? Dahil akala mo, lahat ng tao, mukhang pera. Pero nang hindi ka nagtagumpay, naglabas ka ng m
閱讀更多