"Hindi sa gano'n, Dad. Pero taong humarap sa inyo ang asawa ko kaya sana naman, pakitunguhan n'yo siya nang maayos. Napakahirap bang gawin niyon?" Si Nick, halatang nagtitimpi na pagtaasan ng boses ang ama. Mapaklang tumawa ang Don bago nagsalita. "Bakit kasi kukuha ka na lang ng asawa, hindi pa ka-level ni Eunic--" "Fausto!" Maagap na awat ni Mommy Martina sa asawa. "Enough. Huwag mong ipahiya ang anak natin sa harapan ng asawa niya." "That's enough, Papa Fausto." Singit ni Eunice at hinawakan sa braso si Don Fausto. "Hija." "Let's enjoy our dinner, Papa Fausto. Mas'yadong masasarap ang pagkain para masira ang mga mood n'yo." Tumingin ito sa kaniya bago muling nagsalita. "Pasensya ka na kay Papa Fausto, hindi pa lang siya nakaka-move on sa kung anong meron sa amin ni Nicho noon. But eventually, makaka-move on din siya. Give him time." Pagkatapos nitong sabihin iyon sa kaniya, muli nitong binalingan ang matanda. "Kasal na sila ni Nicho, Papa Fausto. Just give her a chance. Ma
Read more