"Bro, listen. Naiintindihan ko iyang himutok mo, pero iyong takot na nararamdaman ng asawa mo, normal iyon. At dapat, ikaw ang unang makakaintindi sa kaniya, Bro. Kilala mo si Dad, right? Kapag nagsalita iyon, hindi mo basta-basta malulunok. Bawat salitang ibabato niya sa 'yo, siguradong tatagos hanggang sa kaibuturan ng buto mo sa sobrang talim," dagdag pa ni Nicholai. "Kaya nga sobrang nagsisisi ako na dinala ko pa siya sa mansyon. I just thought, he's changed. Lalo pa't tinanggap na rin niya si Ate Rosie. Akala ko, nagbago na siya at matutuwa na finally, may makakasama na ako sa buhay. But I was wrong." Nagsimulang magsumbong si Nick sa kuya niya. Sa mga pinaggagawa ng sarili nilang ama. Naaawa si Nicholai dito dahil kagaya niya ay naranasan din pala nito ang pangingialam ng sarili nilang ama. "Anong akala niya sa akin? Bata? Na puwede niyang diktahan? Tang'na! Sa tanda ko na ba namang ito, makikialam pa siya! Kung si Eunice ang gusto niya, silang dalawa ang magsama. Sil
Read more