"Nick, let's talk, please?" Pakiusap kay Nick ng daddy niya. Malamig niyang tiningnan ang sariling ama, saka nagsalita. "Wala akong gustong sabihin sa 'yo." "Pero ako, meron, Nick. Marami. Marami akong gustong sabihin sa 'yo." "Hindi ko gustong marinig ang mga sasabihin mo, Dad. Just save it dahil wala na ring saysay kung ano man iyang mga sasabihin mo. Kung hihingi ka na naman ng tawad, it's too late." Nangilid ang mga luha ng daddy niya, pero tila namanhid na si Nick dahil nawalan na siya ng pakialam sa sariling ama. Hindi niya ito kayang makasama at makita nang matagal kaya nagpasya siyang iwan na ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang muli itong magsalita na ikinatigil niya. "Hanggang kailan mo 'ko balak tiisin, Nicholas?" Humarap siya sa ama at mapait itong nginitian. "Siguro hanggang nandito pa rin ang sakit, Dad," sagot niya habang nasa tapat ng puso ang isang kamay. "Siguro kapag nawala na 'yong sakit, Dad. Baka kusang lumambot ang puso ko sa 'y
Mehr lesen