Share

CHAPTER 83

Author: GirlonFire28
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-29 16:02:03
HINDI makapaniwala si Aya na talagang hinayaan na siya ng sariling pamilya kay Nick. Ngayon ang labas niya sa hospital dahil okay na siya at wala namang problema o dapat alalahanin sa kalagayan nilang mag-iina. Okay siya. Okay sila. Na-stress lang talaga siya.

Ayaw niyang ma-stress, pero hindi niya maiwasan lalo na't lalabas na siya ngayon pero wala man lang dumating na kahit isang miyembro ng pamilya niya. Dalawa ang pamilya niya, ang pamilya Imperial at Angeles, pero walang dumating para su
GirlonFire28

Salamuch! Pathumbs up please

| 21
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elvira Peralta
love Karin naman nila babies at mommy aya nagpapakipot lng c mommy Aya nyo db Ms.A? ... thanks more update please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 90 PART 2

    KINABUKASAN, bandang hapon na ng tuluyang makalabas ng hospital ang mag-iina ni Aya. Sa mansiyon ng mga Imperial sila dumiretsong mag-iina. Kailangan pa niya ng pahinga, ngunit hindi na makapaghintay si Aya. Hindi na niya kayang lumipas ang panibagong araw na hindi nakikita si Nick. Kaya nang araw ding iyon, niyaya niya ang ate Rosie niya na samahan siya sa hospital. Naiwan sa mama Julie at mommy Viona niya ang kambal. Bago sila umalis ng ate niya, sinigurado niyang busog ang kambal at nag-iwan pa siya ng gatas niya sa feeding bottle, just incase na magutom at wala pa siya. "Okay ka lang ba, Ate?" Hindi niya napigilang tanong sa kapatid habang magkatabi sila sa backseat. Pag-alis pa lamang nila sa mansiyon, pansin na niya na parang hindi ito mapakali. "Ate, may problema ba?" Ulit niya, hindi kasi ito sumagot sa una niyang tanong. "Wala naman." Kaila nito. "Sigurado ka? Kasi kanina ko pa napapansin na parang aligaga ka, eh. Tapos parang ayaw mong tumuloy tayo." "Prima.""Bakit,

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 90

    KAHIT anong pagbibigay assurance ng mama Julie at mommy Viona ni Aya, hindi naging sapat iyon upang mawala ang takot na nararamdam ni Aya para kay Nick. Kahit ilang beses nang sinabi ng mga ito na nangako si Nick sa kanila na pupuntahan kaagad siya sa oras na matapos ang inaasikaso nito ay hindi naniniwala si Aya. Hinding-hindi niya paniniwalaan ang alibi na iyon ng mga magulang. Kilala niya si Nick, kahit anong ginagawa nito basta kailangan niya ay darating ito kaagad para sa kaniya. At kahit hindi niya ito kailangan, palagi itong nasa tabi niya. Kaya hindi siya naniniwala sa dahilan ng mama at mommy niya. Imposible na ngayon pa uunahin ni Nick ang ibang bagay kaysa sa kanilang mag-iina. Gayong alam niya kung gaano ka-excited si Nick para sa araw na ito. Dahil sigurado si Aya na kahit ang pamilya niya ay hindi maniniwala na mas inuna ni Nick ang inaasikaso nito ngayon kaysa sa kanilang mag-iina. Nagsisinungaling ang mga ito sa kaniya tungkol kay Nick, sigurado siya sa bagay na i

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 89 PART 2

    Mula sa wheelchair, binuhat niya ang pinsan. Eksaktong nakasalubong niya si Warren, tinulungan siya nitong dalhin si Nick sa emergency room. "Hey, Nick! Wake up, please! Tang'na mo, ngayon ka pa ba bibigay? Akala ko ba gustong-gusto mong makita ang mga anak mo? Ha?" Kinausap ni Liam ang pinsan. Walang sagot. Walang reaksyon. Pagdating nila sa emergency room, kaagad itong cheneck ng mga doktor at ni Warren. Pinalabas siya ng isang nurse. "But--" "I'm sorry, Sir. Sa labas po muna kayo." Napilitang lumabas si Liam. Habang nasa labas ng emergency room, hindi siya mapakali. Upo-tayo, lakad-hinto ang ginawa niya. Nasa gano'ng estado siya nang humahangos na dumating si Kuya Nicholai, kasunod nito si Uncle Fausto at Auntie Martina. "Liam, anong nangyari sa anak ko?" Kaagad na salubong sa kaniya ng ina ni Nick. "Auntie." "Anong nangyari sa anak ko, Liam?! Bakit hindi ka makasagot?!" Nag-hysterical na ito. Pinagsusuntok sa dibdib si Liam. "Auntie." "Anong nangyayari,

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 89

    AWANG-AWA si Liam habang pinagmamasdan ang paborito niyang pinsan. Si Nick. Nakailang collapsed na ito kanina, pero ang tigas ng ulo. Nagpumilit pa ring puntahan si Aya sa kabila ng sitwasyon.At sa tulong nilang dalawa ni Warren na kaibigan ng pinsan niya, napapayag nila ang doktor na payagan si Nick na makapunta rito sa labas ng operating room kung saan kasalukuyang nanganganak si Aya via cesarean section. Hindi napigilan ni Liam na balikan sa isip ang ginawang pagmamakaawa ni Nick kanina, makapunta lang rito sa operating room. "Please, Liam! Help me. Kailangan kong puntahan ang mag-iina ko." "Nick, kailangan mo ring ma-admit! Look at yourself! Magpapakamatay ka ba talaga?" "I'm fine. Liam, I'm fine." "You're not. Nakailang collapsed ka na ba? Please, kahit ngayon lang unahin mo muna ang sarili mo, Nicholas." "No. Liam, please... She needs me. Nangako ako kay Aya na oras na manganak siya, sasamahan ko siya sa loob." "Nicholas, huwag mo nang ipilit. Hindi ka rin naman papayaga

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 88

    NAGSIMULANG HUMILAB ang tiyan ni Aya. Nang mga sandaling iyon, alam niyang dumating na ang araw na pinakahihintay nila ni Nick. Ngunit sa halip na pananabik ang maramdaman niya ay takot at pag-aalala ang nangingibabaw sa kaniya. Takot at pag-aalala, hindi para sa sarili niya kundi para kay Nick. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit ito namimilipit sa sakit ng ulo. "Nick..." Parang may patalim na bumabaon sa dibdib niya nang pinilit nitong lumapit sa kaniya. Hindi niya kinaya, kahit umaagos ang tubig sa kaniyang mga hita, tinawid niya ang pagitan nila ni Nick. "A-Anong nangyayari?" tanong niya. Wala siyang nakuhang sagot, sa halip ay inabot ni Nick ang kamay niya. Doon niya na-realize kung gaano kalamig ang kamay nito. "N-Nick, w-what's happening?" Takot na takot siya. "I love you so much, Aya. No matter what happen, always remember that I love you." Kasunod niyon ang malakas nitong pagsigaw na tila may nananakit dito. Sumigaw ito habang sapo ang ulo, saka

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 87 PART 2

    Ngunit kagaya ni Nick, hindi ito bumalik agad. "Pati si Rome, nawala na rin. Nasa'n na ba ang magtiyuhin na iyon?" Takang tanong niya sa sarili. Hindi na siya nakatiis. Tinawag niya ang isa sa mga kasambahay sa mansiyon para magpatulong na makatayo. Kaagad naman siyang dinaluhan ni Carmen at tinulungan siya. "Thank you, Carmen." Pasalamat niya nang sa wakas ay makatayo. "Walang anuman po, señorita. Saan po ba kayo pupunta?" "Hahanapin ko si Nick at Rome. Hindi na sila bumalik, eh. Hindi mo ba sila nakita?" "Hindi po, Señorita. Katatapos ko lang pong maglinis sa kuwarto ng mommy n'yo, eh." Paliwanag nito. "Gano'n ba? Puwede bang samahan mo 'kong hanapin sila? Kanina pa sila umalis, eh. Hindi na bumalik." "Sige po, Señorita." Inalalayan siya nitong maglakad. "Salamat, Carmen. Late na kasi ang pag-inom ko ng vitamins, eh." "Welcome po, Señorita." Sinamahan siya nito sa kusina. Wala roon ang magtiyuhin. "Alam n'yo po ba kung saan nakalagay ang vitamins n'yo? Ako n

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 44 PART 1

    Amaya Shannel "Sa tingin mo ba papayag ako na gano'n-gano'n na lang? Pagkatapos mo 'kong tikman, mawawala ka na lang nang parang bula? Paano naman ako?" Hinampo niyang litanya, pero halatang nang-aasar lang. Inirapan ko siya at alistong itinukod ang mga kamay sa dibdib niya nang tangkaing idii

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 43 PART 2

    Amaya Shannel AT DAHIL SA BIGLANG pagsulpot ni Nicholas sa kumpanya, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Kaya natapos at natapos ang buong maghapon, wala na akong nagawa. Hanggang sa mag-uwian na ang mga empleyado. Laking pasalamat ko na nakauwi at nakauwi ako sa bahay na inu

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 43 PART 1

    Amaya Shannel "She's here? As in here?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Rachel. "Yes, she's here." Hindi ko na maipaliwanag ang kab0g ng dibdib ko. Lalo na nang sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kasama ko. Lahat sila, nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Shít! Umiling

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 42 PART 2

    AMAYA SHANNEL NO. HINDI SIYA IYON. Piping paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Kahit ang totoo, kinukutuban na ako. Aya, chill. Maraming San Martin sa mundo. Imposibleng siya iyon. Piping patuloy na pagpapakalma ko sa aking sarili. Pero hindi, eh. Nagkataon lang ba iyon na kaapilyedo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status