Amaya Shannel MAY PAGDUDUDA kong tiningnan si Nick. "Wife, hindi talaga. Bakit ko naman sasadyaing makita nila ako rito?" Nang -aarok ko siyang tiningnan. "Kung alam kong susunduin ka nila, e di sana sa kuwarto mo 'ko natulog para hindi nila ako nakita." Paliwanag pa rin niya na ang hirap-hirap talagang paniwalaan. Dahil noong nakatira pa ako sa bahay niya sa Manila, kaunting kaluskos ko lang ay nagigising na siya. Pero kanina, nakailang sampal, hampas at kurot na ako sa kaniya, hindi pa rin nagigising. Hindi lang iyon, nahulog pa siya sa sahig. At pinagdudutdot na ng kaibigan ko. Sinabi ko iyon sa kaniya, pero todo tanggi pa rin ito. "Nakatulog talaga ako. 1 week na 2 hours lang ang tulog ko everyday." Tumayo ito at naglakad habang sapo ang ulo. "T-Teka, saan ka pupunta? Uuwi ka na?" "Nope. Sa kuwarto mo lang ako." Pumasok siya sa kuwarto ko. "Teka, anong gagawin mo diyan?" Napasunod ako sa kaniya. Kaagad itong humiga sa kama ko. "Nick, teka--" "Matu
Last Updated : 2026-03-24 Read more