Nang sumunod na sandali, medyo na-o-off na siya dahil wala itong bukambibig kundi si Nick. 'Yong memories ng mga ito noon. Kung gaano ka-close ang mga ito. Hindi niya alam kung sinadya ba nito o hindi, pero nabanggit nito na nagkaroon din ang mga ito ng relasyon. Hindi lang daw nag-click dahil kailangan nito at ni Nick na mag-focus muna sa pag-aaral. Maya-maya'y sinaway ito ni Rome at sinabing baka hindi na raw siya kumportable sa sinasabi nito. "Oh, don't worry, Aya, that was long time ago. Huwag kang magseselos, ha?" ani Eunice. "Hindi, okay lang. Hindi naman ako magseselos. Iyong sa inyo, parte na lang ng nakaraan ni Nick iyon." Natuwa si Rome sa naging sagot niya dahil pasimple siya nitong kinindatan. At pagkuwa'y lumapit sa kaniya at bumulong. "That's my Uncle's wife. Palaban. Huwag kang papatalo kay Ate Eunice, okay?" "Oo naman. Salamat sa support, Rome." Ganting bulong niya kay Rome. "You're welcome, Auntie Aya." Humagikhik ito sabay baling sa abuela. "Ma
続きを読む