AMAYA SHANNEL NO. HINDI SIYA IYON. Piping paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Kahit ang totoo, kinukutuban na ako. Aya, chill. Maraming San Martin sa mundo. Imposibleng siya iyon. Piping patuloy na pagpapakalma ko sa aking sarili. Pero hindi, eh. Nagkataon lang ba iyon na kaapilyedo ni Nicholas ang bagong boss namin? Grabe naman yatang coincidence iyon. "Hoy, Aya. Upo na." Kung hindi pa ako kinublit ni Wella, hindi ko mapapansin na nakatulala na pala ako. "Maupo ka na, parating na raw si Mr. San Mart--" Hindi ko na pinatapos si Wella at nilapitan ang lalaki. "Ahm, Sir, excuse me po?" Tawag pansin ko lalaki. "Yes, Miss Angeles?" "Ahm, tama po ba ang narinig ko? San Martin ang bagong bos--" Hindi ko na natapos ang pagtatanong dahil bumukas ang glass door at pumasok doon ang tatlong lalaki. Sa tatlong lalaki na magkakasunod na pumasok, sa pinakahuli natuon ang mga mata ko. Nicholas! Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng paningin ko o totoong si N
最終更新日 : 2026-03-18 続きを読む