LOGINThank you so much po
At dahil mas'yado siyang masaya, wala siyang panahon para isipin ang hidwaan sa pagitan nila. Ukopado ng mag-iina niya ang buong pagkatao niya hanggang sa wakas, makarating sila sa harap ng mansiyon ng mga Imperial. Natawa si Nicholai nang sa pagmamadali niyang makababa ng sasakyan, muntik na siyang madapa. "Relax, bro. Madidisgrasya ka kapag hindi ka kumalma." Napabuntong hininga si Nick at hinimas ang sariling dibdib para ikalma ang sarili. "Right timing ang dating natin. Mom messaged me, nasa kuwarto raw ang mag-iina mo." Tumango lang si Nick at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang kapatid. Awtomatikong umawang ang bibig ni Nick nang makita ang malaking banner pagpasok pa lang ng main door. "Welcome Home, Daddy Nick! WE LOVE YOU!" iyon ang nakasulat sa malaking banner. Hindi lang iyon. Mayro'ng iba't ibang kulay ng mga lobo. Mayro'n sa kisame, sa sahig. Nilapitan niya ang mga lobong may tali. Halos hindi siya makahinga nang makitang mga larawan i
ABALA ANG mga tao sa mansiyon ng mga Imperial dahil sa inihahandang pa-welcome party ni Aya para kay Nick. Bukas pa ang discharge ni Nick, pero sa sobrang excited ni Aya at gustong gawing isang espesyal na araw ang paglabas ni Nick mula sa hospital ay talagang naghanda siya isang araw bago pa makauwi si Nick. Tulog ang kambal niya kaya malaya siyang tumulong sa mga ito sa pagdi-decorate. "Ate Sara, medyo hindi pantay 'yong welcome daddy. Mas mataas sa left side." Komento niya na ang kausap ay ang isa sa kasambahay ng pamilya Imperial. Inayos ni Sara ang banner. "Okay na po, Señorita?" "Yes. Pantay na. Thank you." "Walang anuman po, Señorita." Nakangiting sabi ng kasambahay na si Sara at pagkuwa'y nagpalobo na ng mga balloons. Abalang-abala si Aya nang lapitan siya ng kapatid na si Joana. Kanina pa ito sa mansiyon ng mga Imperial dahil nang malaman nito na may inihahanda siya para kay Nick, nagpresinta itong tumulong. At inaamin niya na medyo ikinagulat niya iyon. Hindi naman li
NANG SILA na lamang dalawa ni Nick sa kuwarto, kaagad niyang napansin na titig na titig ito sa kaniya. Iyong klase ng titig na panunuyuan ka ng lalamunan dahil sa sobrang lagkit. "Bakit?" Nagawa niyang itanong rito. Na-conscious siya bigla dahil aminado siyang medyo lumaki na siya lalo na ang dibdib niya dahil sa pagpapadede sa kambal. "Nick, naman." Reklamo niya sabay ungol dahil ayaw siya nitong lubayan ng tingin. "What?" May ngiti sa mga labing sabi nito. "Bakit titig na titig ka?" "Masama ba?" Balik-tanong nito."Hindi. Pero naiilang ako." "Ngayon ka pa nailang sa akin?" "Siyempre. Alam kong tumaba ako. Saka itong tiyan ko, hindi pa bumabalik sa dati. Medyo malaki pa rin." Naging malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Nick...." "Come here." Utos nito. Lumapit siya rito. Bahagya siyang hinila sa kamay pahiga sa tabi nito. Nakahiga siya paharap dito. Nagtama ang kanilang mga mata. "N-Nick." "Wala akong pakialam sa body shape mo. Hindi ang katawan mo ang d
"THANK YOU, ROME." Mula sa pusong pasalamat ni Aya sa pamangkin niya. Sa pamangkin nila ni Nick. Sinabi nito na kung ayaw pa niyang umuwi ngayong gabi ay mag-pump na lamang siya ng gatas para ito mismo ang mag-uwi sa kambal. Hindi tinanggihan ni Aya ang offer na iyon ni Rome dahil gusto pa niyang makasama at bantayan si Nick. Sobrang na-miss niya ito at ayaw pa niyang umalis. "You're welcome, Auntie. I know na-miss n'yo ni Uncle Nick ang isa't isa." Nakangiting sabi ni Rome at palitan silang tiningnan. "Don't worry, guys, kami na muna ang bahala sa kambal n'yo. Hindi namin sila pababayaan," dagdag nito. "Thank you, Rome." Pasalamat din ni Nick sa pamangkin. "You're most welcome, Uncle Nick. You know how much I love you, right?" Pagkasabi ni Rome niyon ay tumingin ito sa kaniya. "And because I love you this much, inaway ko si Auntie Aya. Inaway ko siya nang walang basehan. And I'm forever sorry for that." Hindi lang boses nito ang puno ng sinseridad kundi maging ang mga mata. N
NICK NAPAPANGITI siya habang pinagmamasdan si Aya na tulog na tulog sa tabi niya. Siya ang inaantok kanina, pero ito ang naunang nakatulog sa kanilang dalawa. May dalawang oras na itong tulog sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang sarili, hinalikan niya ito sa noo. "I missed you so much." Mahina ang boses na sabi niya habang pinapatakan ng masusuyong halik ang noo nito. Hindi pa lubusang malakas ang katawan niya, ngunit nang marinig ang mga sinabi ni Aya kanina, pakiramdam niya ay kaya na niyang lumakad sa gitna ng aisle para pakasalan ito. Kahapon paggising niya, ang pinsang si Liam at kaibigang si Warren lang ang nagisnan niya sa tabi niya. Hindi niya hinanap si Aya dahil hindi pa malinaw ang lahat sa kaniya. Ang tanging hinanap niya, ang kaniyang pamangking si Rome at inang si Martina. Naalala niya ang tagpo sa kanilang mag-ina kahapon nang dumating ito kaagad nang malamang gising na siya. "Anak, gising ka na! Thank God!" "M-Mommy." Mahigpit siyang niyakap ng ina at
HINDI alam ni Aya kung gaano siya katagal na nakayakap lang kay Nick. Ayaw niya itong pakawalan. Natatakot siya na baka kapag ginawa niya iyon ay biglang may tatapik sa balikat niya at sabihing nananaginip lang siya. Na hindi totoong gising na si Nick. Na hindi totoong hindi siya nito nakalimutan. Dahil isa iyon sa kinatatakutan niya. Ang magising ito na hindi na siya kilala. "Wife, wait, I can't breathe." Narinig niyang reklamo ni Nick at bahagya siyang itinulak palayo. Ngunit hindi siya pumayag. Lalong humigpit ang yakap niya rito. "Wife, hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo." Muli nitong reklamo, kasunod ang mahinang tawa. Doon siya natauhan. Lumayo siya rito nang bahagya, saka tumingin sa mukha. "Parang gusto mo na akong patayin sa higpit ng yakap mo, eh." "Sorry.""It's okay. Don't cry, please?" "Hindi ko mapigilan. Ang saya-saya ko, at the same time ay natatakot." Pag-amin niya. "Natatakot saan?" "Na baka nananaginip lang ako." Ngumiti ito. Matamis. Kahit hala
Si Nick ang klase ng tao na hindi ka magdadalawang-salita kapag nilapitan mo para hingan ng tulong at suporta. Pagdating sa pamilya, sa kaibigan, hindi matatawaran ang suportang ibinibigay niya. Siya iyong klase ng tao na hindi gugustuhing maging pabigat sa iba. Hangga't kaya, hahanapan niya ng solu
Umiling-iling ang Don. "Huwag ka nang magsinungaling dahil lalo lang akong nasusuklam sa 'yo, Dad!" Napaiyak na lang si Donya Martina dahil sa pag-aaway ng mag-ama niya. "Masuklam ka na, pero wala akong aaminin. Wala akong alam diyan sa sinasabi mo, Nicholas. At oo, aaminin ko na ayoko kay
Nagkatinginan sina Liam at Miguel dahil sa pahayag na iyon ni Nick. "Mababaliw yata ako kapag nawala nang tuluyan sa akin ang mag-ina ko." "Iyon naman pala, eh. Ano pang hinihintay mo, simulan mo nang hanapin ang asawa mo." "I will." Sagot ni Nick, bago binalingan si Miguel. "Huwag na huwag
Habang nakikinig si Nick kay Joana, wala ng paglagyan ang guilt na nararamdaman niya sa ginawa sa sariling asawa. Punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil sa ginawa sa kan'yang mag-ina. "Kung alam lang namin na nasasaktan mo lang din siya, sana hindi na namin siya kinumbinsi noo







