Napatigil si Mira, nakatingin kay Kyle, parang gusto na niyang sabihin ang totoo pero alam niyang hindi dapat.Humakbang siya papalapit sa cabinet at kinuha ang first aid kit. Lumuhod siya sa harap ni Kyle, pinilit abutin ang sugat nito.“Kyle, tama na. Hayaan mo akong gamutin ka, baka maimpeksyon ang sugat mo--”Ngunit bigla siyang itinulak ni Kyle, dahilan upang mabitawan niya ang kit at kumalat ang mga gamit sa sahig.“Huwag mo akong hawakan!” sigaw nito, nanginginig ang boses na puno ng hinanakit. Tumayo ito, naglalakad paikot, hawak ang sariling buhok na tila sinusubukang pigilan ang sumisidhing galit.“Araw-araw, Mira, parusa ang buhay na ito. Sa bawat gabi, kailangan kong uminom ng sleeping pills para lang matahimik ang utak ko. Pero kahit anong inom ko ng gamot, paggising ko, all I see is you! Pakiramdam ko nababaliw na ako!”Napatigil siya, kinuyom ang sariling mga palad sa pag-amin ni Kyle.“Pagising ko, trabaho ang kanlungan ko,” patuloy ni Kyle, halos mabasag ang tinig. “Ka
Huling Na-update : 2025-08-24 Magbasa pa