Agad na sumalo si Sofie, nakangiti. “Wala. Girl’s talk lang. Tara umorder na tayo. Gutom na ako,” anitong tinawag ang waiter.Matapos kumain ng breakfast sa café, nagpaalam na si Sebastian. “May board meeting pa ako sa Tuazon Group. Mauna na ako,” magaan ang tono pero ramdam ni Mira ang bigat ng titig na iniwan nito sa kanya, isang paalala na hindi natatapos doon ang plano nila.Naglakad silang tatlo pabalik sa Megawide building.Pagdating nila sa opisina, nagpaalam si Sofie paglabas ng elevator. “See you later, Kyle,” anitong may matamis na ngiti.“Sofie,” tawag nito, kaswal ang boses pero may halong utos. “Mamaya, usap tayo tungkol sa project report. I need you.”Tumango si Sofie at nagbigay ng mabilis na sulyap kay Mira, isang tingin na parang sinasabing kaya natin ’to.Siya naman ay mabilis na naglakad patungo sa cubicle niya. Ngunit bago pa siya makaupo, pinigilan siya ng boss.“So…” aniya, mabagal ang bawat salita, “gusto kong malaman kung bakit nakikipagkita ka kay Tuazon.”Nap
Last Updated : 2025-08-17 Read more