Pinikit ni Mira ang mga mata, pinipigil ang nangingilid na luha. Nang dumilat siya, matalim ang titig niya kay Kyle.“Ang kapal mo, Kyle. Hindi ba pwedeng kapalit ang pagtulong ko sa’yo sa kumpanya? Alalahanin mong nasa akin ang fifty percent shares.”Ngumisi si Kyle. “I never ask for your help. Kaya kong pangalagaan ang posisyon ko sa kumpanya. About sa fifty percent, wala na akong magagawa dahil kung hindi ikaw ang may hawak niyan, mapupunta lang sa charity.”Pinilit niyang kumalma. Hindi siya pwedeng magmukhang talunan sa harap nito. Hinarap niya si Kyle nang diretso, naniningkit ang mga mata.“Kung akala mo, makukuha mo ulit ang atensyon ko sa pamamagitan ng ganitong kababuyan, nagkakamali ka.” Malamig ang boses niya, puno ng kontrol. “Hindi ako laruan na pwede mong diktahan at gamitin kung kailan mo gusto!”Napakunot ang noo ni Kyle, halatang nagulat sa tapang niya. “Kung ganoon, huwag ka na ring umasa na pipirmahan ko ‘yan. Sayang ang effort mo sa pagtakbo sa abogado. Be my wife,
Last Updated : 2025-08-21 Read more