เข้าสู่ระบบSa mga hindi pa nakakabasa, please read Love for Rent (1.2M views-Book1-7). Completed na po siya. Abangan ang Season 2! Maraming salamat po!
Sa bigat at dami ng mga hakbang, malinaw na hindi lamang isang tao ang paparating.Humigpit ang braso ni Damon sa likod ni Felicity bago siya iniharang nito sa likuran.Sa bawat pagkidlat, nakikita niya ang mga lalaking papalapit sa gitna ng malakas na ulan. May hawak na flashlight ang ilan, at tinatangay ng hangin ang hindi niya maintindihang usapan ng mga ito.Binitiwan siya ni Damon at humakbang sa harap niya. Dinampot nito ang palang nakasandal sa likod ng pinto at hinawakan iyon na parang sandata.“Dito ka lang sa likuran ko,” utos nito.Kumapit si Felicity sa braso ng asawa. Walang signal ang cellphone niya at ilang kilometro ang layo nila sa pinakamalapit na pamayanan. Kung mga tauhan ng Cocoland ang mga paparating, sana ay hindi naman masasamang tao ang mga ito.“May mga bakas papunta sa kubo!” sigaw ng isang lalaki.Lumapit ang mga yabag hanggang huminto sa bukana ng kubo.“Hanapin ninyo ang may-ari ng sasakyang nabalahaw,” utos ng pamilyar na tinig mula sa direksiyon ng kals
Pinilit ni Felicity na huwag magpakita ng reaksiyon. Siya mismo ang gumawa ng exposé na iyon matapos makatanggap ng mga litrato at dokumento mula sa isang dating manggagawa ng Cocoland.“Interesante ang mga inilalabas niya. Hindi siya takot bumangga sa mga taong may pera at koneksiyon.”“Baka naman gumagawa lang siya ng kuwento para dumami ang followers.”“May ebidensiya siya. Hindi basta kuwento ang mga inilalabas niya.”Hindi napigilan ni Felicity ang kaunting tuwang umusbong sa dibdib. Hindi niya inakalang ganoon kataas ang tingin ni Damon sa ginagawa niya.“Parang interesado ka talaga.”“Matagal ko nang gustong malaman kung sino ang nasa likod ng page.” Humigpit ang hawak nito sa manibela habang nakatingin sa daan.“Bakit kailangan mo pa siyang makilala?”“Curious ako. May mga gusto rin akong malaman. Actually, parang pamilyar siya.”Muntik nang mabitiwan ni Felicity ang cellphone.“Paano mo nasabi?”“Basta parang kilala ko siya. Hindi ko lang matukoy kung sino.”Inayos ni Felicit
Nanatiling nakatitig si Felicity sa mensahe habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.Kinabahan siya. Hindi niya maikakaila iyon.Hindi iyon ang unang bantang natanggap ng Pakialamera Vlog. May mga nagmura na sa kanya, nagbantang ipahahanap siya, at nangakong ipapasara ang page. Kapag pinakikialaman niya ang mga may pera at kapangyarihan, inaasahan na niyang may magagalit.Pero iba ang dating ng tatlong salitang iyon.Walang mura. Walang mahabang paliwanag. Isang malinaw na utos na may kasamang banta sa kanyang buhay.Kumuha siya ng screenshot bago isinara ang message. Hindi niya buburahin ang video. Iyon mismo ang gusto ng nagpadala, ang matakot siya hanggang sa tuluyan siyang manahimik.Isinara ang laptop nang bumukas ang pinto ng kuwarto.Pumasok si Damon at hinubad ang suot na relo. Napatingin ito sa laptop na nasa kandungan niya bago sinalubong ang kanyang mga mata.“Bakit parang nakakita ka ng multo?”“Wala.”“Namumutla ka.”“Masakit lang ang ulo ko.” Inilagay niya ang lapto
Hindi gumalaw si Felicity habang hinihintay ang sagot ni Damon.Tiningnan nito ang mga dokumentong nakahilera sa mesa bago ibinalik ang tingin sa kanya.“Kailan ka aalis?”“Bukas ng umaga.”Tumango si Damon at sumandal sa swivel chair. “Pag-iisipan ko kung sasama ako.”“Bakit kailangan mo pang pag-isipan?”“Hindi ako mahilig mag-travel kung hindi kinakailangan. Lalong hindi ko trip umakyat ng bundok.”Napahalukipkip si Felicity. “Hindi naman kita pinipilit.”“Saang bundok ba ’yan?”“Sa Mt. Tuklas, malapit sa paaralang pupuntahan ko.”“Gaano kalayo mula rito?”“Mahigit anim na oras ang biyahe. Mas matagal kapag maulan.”“Ano’ng klaseng sasakyan ang kailangan?”“Four-wheel drive. Rough road ang huling bahagi ng ruta. May ilog din na tatawirin, pero mababaw naman kapag walang ulan.”Tumuwid ng upo si Damon. “May matutuluyan ba roon?”“May maliit na homestay malapit sa barangay hall. Tatlong araw lang naman ako mawawala.”“May signal?”“Mahina. Sa ibang bahagi ng lugar, kailangan pang uma
Hindi agad sumagot si Felicity.Mabilis na bumangon si Damon at sumandal sa headboard. Nawala ang antok sa mukha nito habang naghihintay ng sagot. Tila handa na nitong sunggaban ang pagkakataon.“Hindi mo kailangang malaman.”Nagsalubong ang mga kilay nito. “Paano ’yon? Unfair naman. Paano ko magagawa ang kondisyon kung hindi ko alam?”“Kapag kusa mong nagawa ang hinihintay ko, sasabihin kong natupad mo na ang kondisyon.”“Paano kung hindi ko magawa? Hindi ko nga alam.”“E di hindi mo ako matitikman.”“Felicity.”Bumangon siya at binuksan ang drawer ng bedside table. Kumuha siya ng maliit na papel at ballpen bago tumalikod kay Damon upang hindi nito makita ang isusulat niya.Ilang segundo siyang nag-isip.Gustong-gusto ni Damon na makuha ang gusto nito. Madali sana niyang gawing kondisyon ang isang mamahaling regalo o pabor na kayang ibigay ng lalaki sa isang tawag lamang. Ngunit ayaw niyang pera ang maging sukatan. Gusto niyang makita kung kaya nitong magmalasakit sa mga taong wala n
Binawi ni Felicity ang pulsuhan mula sa pagkakahawak nito.“Nililinis ko lang ang sugat mo.”“Hindi naman ang sugat ang tinititigan mo.” Umangat ang isang sulok ng labi ni Damon, ngunit napangiwi rin ito dahil sa galos. “Ang mga labi ko.”“Ang kapal talaga ng mukha mo.”Inihanda ni Felicity ang bagong bulak at nilagyan iyon ng antiseptic. “Tumahimik ka kung ayaw mong idiin ko ’to.”Nawala ang ngisi ni Damon. Binitiwan nito ang kamay niya at ipinatong ang magkabilang palad sa kama.Lalong gumulo ang isip niya.Ibinaba niya ang tingin at nilinis ang mga gasgas sa kamao nito. Wala namang malalim na sugat. Pagkatapos lagyan ng ointment ang mga iyon, kumuha siya ng maliit na tuwalya, ibinalot doon ang cold pack, at idiniin iyon sa namamagang labi ni Damon.“Hawakan mo.”“Ikaw na.”“May kamay ka.”“Masakit.”“Isa lang ang nasugatan.”Gayunman, siya pa rin ang humawak sa cold pack. Tahimik si Damon habang nakatitig sa kanya. Sa tuwing tumataas ang tingin niya, nahuhuli niya itong nakamasid.
Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas
Tahimik ang gabi. Nasa loob ng kubo si Lucas, hawak ang cellphone, tinitingnan ang chat thread nila ni Maylee. Ang mga huling mensahe ay mula pa noong nakaraang linggo.Nag-type siya ng mensahe.“Good evening, Ms. Maylee. I just want to apologize for calling you the other night. I was drunk, and I
Humigpit ang dibdib ni Maya habang binabasa ang mensahe.Tinitigan niya ang cellphone, paulit-ulit binabasa ang text.Tila umikot ang mundo niya.Nakatulala siya sa screen, pinipigilan ang luha.She stared blankly at her phone, the last message from Lucas still glowing on the screen.Your perfume an
Habang sa loob ng ospital, sabay-sabay napalingon sa TV sina Lucas, Donya Ester, Iris, at Camille na bagong dating.Tensyonado at walang makapagsalita.“Shit, sino ang nagpakalat ng Marriage Certificate?” galit na sabi ni Lucas.“Malamang si Maya Marasigan. Mukhang gusto talaga ng gulo ng babaeng iy







