Pagkatapos ng isang araw na puno ng utos at pang-aalipusta sa opisina, diretso si Jenny sa isang sikat na bar. Dito siya natanggap bilang waitress, bagay na hindi niya inasahan ngunit lubos niyang ikinatuwa.Nakangiti ang manager habang iniaabot ang simpleng uniporme.“Jenny, welcome aboard. Hindi kalakihan ang sahod pero may tips ka mula sa customers. Gawin mo lang ang trabaho mo ng maayos, wala tayong magiging problema.”Napangiti siya at napayakap ng mahigpit sa uniporme.“Hindi bale, kahit maliit lang… makakatulong pa rin. Basta makaipon lang ako, kahit papaano,” aniya sa isip.Alam niyang magiging doble ang kanyang pagod. Ngunit hindi siya susuko!Umaga hanggang hapon, sa Tuazon Group, tiis sa bawat utos at pangmamaliit ni Sebastian.Gabi hanggang madaling-araw, nakatayo sa bar, naglilingkod ng inumin, ngumungiti kahit pagod, at naglilinis ng mesa at kalat.Ngunit sa bawat araw na gagawin niya ito, mas titibay ang kanyang loob.Sa unang pagkakataon matapos ang mga araw ng pagkaka
Last Updated : 2025-09-26 Read more