Umaga ng libing ni Sebastian. Mabigat ang langit, tila nakikidalamhati rin sa inaakalang pagkawala ng isang taong iniidolo ng marami. Tahimik na nakatayo si Jenny sa gilid, nakasuot ng simpleng itim na bestida at malalaking sunglasses na halos natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha.Hindi dahil gusto niyang magtago ng anyo, kundi dahil ayaw niyang makita ng lahat na hindi namamaga ang kanyang mga mata. Madami na siyang nailuha sa bangkay na hindi niya kilala.Maraming tao ang dumalo, mga politiko, negosyante, empleyado ng Tuazon Group, Sina Kyle at Mira, at syempre, sina Noah, Vicky, si Don Gilbert at ang asawa nitong si Donya Julieta. Abala ang mga ito sa pagtanggap ng pakikiramay, parang tunay na nagdadalamhati.Nakahalukipkip siya, pinipilit na huwag magpakita ng emosyon. Ngunit sa bawat pagbagsak ng lupa sa ibabaw ng kabaong, para bang tinatanggalan siya ng hininga. Lumilinga siya sa mga taong nandoon. Baka sakaling makakita ng clue o ng taong pwedeng pagkatiwalaan.Maya-maya, na
Last Updated : 2025-09-28 Read more