Habang nakasubsob sa dibdib niya si Sebastian, napapikit si Jenny. Gusto niyang magpakulong sa yakap na iyon, kahit alam niyang may katapusan ang lahat. Pero sa ngayon, pinili niyang namnamin ang init at saya, kahit may takot pa rin siyang bumalik ang alaala nito sa isang iglap.Maingat na pinunasan niya ang katawan ni Sebastian gamit ang malambot na tuwalya. Nang matuyo na ito, kinuha niya ang malinis na damit na inihanda niya kanina. Naka-focus siya sa pagbibihis dito, una ang maluwag na puting t-shirt, saka ang shorts. Dahan-dahan niyang isinuot, para hindi masaktan ang sugatang balikat, braso, hita, at paa nito.Tahimik lang si Sebastian habang pinagmamasdan siya. Nang maisuot ang huling butones, marahang inabot nito ang kamay niya.“Jenny…” mahina nitong bulong. “Pwede mo ba akong yakapin?”Natigilan siya, nanlaki ang mga mata. “Ha?”Ngumiti si Sebastian, nakapikit pa habang nakahilig sa sandalan ng upuan. “Ikaw ang pampainit ko.”Dahan-dahan siyang yumakap, naramdaman ang bigat
Terakhir Diperbarui : 2025-09-30 Baca selengkapnya