Maganda ang sikat ng araw na pumapasok mula sa kurtina. Nakaupo si Sebastian sa gilid ng kama, nakasandal sa unan, habang si Jenny ay nagdala ng tray ng almusal.Tahimik muna silang kumain. Ramdam ni Jenny ang bigat sa dibdib niya. Habang sinusubuan niya ang asawa, paulit-ulit siyang lumulunok ng laway, pinipilit buuin ang mga salitang matagal na niyang gustong sabihin. Hindi niya alam kung saan magsisimula.“M-may gusto sana akong sabihin sa’yo.”Napatingin si Sebastian sa kanya, seryoso ang mga mata, parang sabik marinig ang susunod niyang sasabihin.“Ano ‘yon, Jen? Sabihin mo. Walang sikreto sa atin, hindi ba? Mag-asawa tayo.”Huminga siya nang malalim, nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa ng kape. Ibubuka na niya ang bibig upang magtapat ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto.Pumasok si Yaya Cora, nakangiti, may dalang mga bagong labang damit.“Ay naku, maaga kayong nagising! Jenny, ipinasok ko na ang mga nilabhan. May sopas din akong niluto para sa inyo.”Bigla siyang
Terakhir Diperbarui : 2025-10-04 Baca selengkapnya