Nakarating din sa wakas sa airport si Sebastian. Hindi na siya nag-abalang kumuha ng payong. Basang-basa pa ang damit at sapatos niya nang sumugod siya papasok. Tumakbo siya sa loob, umiilag sa trolley at sa mga nagmamadaling pasahero, habang paulit-ulit na inuusal ang pangalan, Jenny, Jenny, Jenny…“Sir, ticket and ID,” sabi ng guard.“Emergency,” hingal niya, inaabot ang company ID. “My wife, she’s boarding to Singapore. Kailangan ko siyang pigilan.”Nagkatinginan ang dalawang guard, mabilis pero mahinahon ang kilos. “Doon po ang international departures, third lane. Bawal tumakbo, sir.”Pero tumakbo pa rin siya. Nakailang ikot siya.Hanggang sa isigaw na niya ang pangalan ni Jenny.Hindi alintana ang tingin ng mga tao sa paligid.Sa dulo ng hall, nakita niya, isang pamilyar na silhouette sa ilalim ng malalaking signage. Puting bestida, naka-ponytail, hawak ang passport at boarding pass. Kahit mula sa likod, alam niyang si Jenny ‘yon.“Jenny!” sigaw niya, halos maputol ang hininga ni
Last Updated : 2025-10-10 Read more