“Sebastian! Small world, bakit ka nandito?”Tumingin si Sebastian sa kanila, pagod ang mukha, pero matalim pa rin ang tingin. “Hindi ba dapat ako nagtatanong niyan, bakit kayo nandito? Dapat nasa opisina kayo.”“Pumunta kami sa probinsya para ipakilala ako ni Maya sa parents niya,” mabilis na sabi ni Lucas, walang kaabog-abog. “Magjowa na kami.”“Ha?!” sabay ang sigaw nina Sebastian at Maya.“Lucas!” bulalas ni Maya.Mabilis na inakbayan ito ni Lucas. “Huwag kang mahiya, babe.”“Kailan pa? Ang bilis naman yata,” takang tanong niya.“Huwag kang magtaka, Seb. Masterclass ako sa panliligaw. Ako bahala sa’yo. Ire-rescue natin ang love life mo. Ikakasa natin ang Operation Balikan! Ayoko namang habang masaya ako, ikaw ay nahihirapan.”Napabuntong-hininga siya. “Lucas, hindi ito laro.”“Exactly. Kaya hindi sapat ang simpleng sorry. Kailangan mo ng matindihang effort.”“Baka mas lalo lang magalit si Jenny,” kontra ni Maya.“Trust the process,” giit ni Lucas. “Seb, flowers, apology banner, ser
最終更新日 : 2025-10-12 続きを読む