MasukHindi po ako magsasawang magpasalamat sa inyo, mahal kong readers. You make my dream to be a writer come true! I am forever grateful!
Nanginig ang loob ni Stefie, ngunit hindi niya hahayaang makita nitong kinabahan siya. Pinilit niyang tumawa at tinaasan ito ng kilay.“Sabi ng lahat ng lalaking maliit ang etits.”Nawala ang ngiti ni Prince.Napangisi siya. Sa wakas, nakaganti rin.“Paano mo nalamang maliit?” Hinawakan nito ang buckle ng sinturon. “Gusto mong makita?”Nanlaki ang mga mata ni Stefie. “Show it.”Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tapang niya. Wala pa siyang nakikitang ari ng lalaki sa personal. Kahit mga larawan niyon ay iniiwasan niyang tingnan.Ngunit bakit tila na-excite pa siya?Nanatiling nakatingin sa kanya si Prince habang kinakalas ang sinturon.Napaatras si Stefie. “Ano’ng ginagawa mo?”“Showing it.” Hinila nito ang sinturon mula sa unang belt loop. “Ikaw ang nagsabi.”“Hindi ko sinabing maghubad ka rito!”“Scared, my dear future wife?”“Hindi! Paano kung may pumasok?”“Walang magtatangkang pumasok nang hindi kumakatok.”Tumawa ito nang tuluyang mawala ang tapang niya. Hindi naman nito i
Parang biglang uminit ang hanging namamagitan sa kanila. Nasa kanyang pulsuhan pa rin ang kamay ni Prince, ngunit nang tangkain niyang bawiin iyon, binitiwan siya nito.“Huwag na. Binabawi ko ang wish.”“Sabi mo kahit anong wish.”“Ako ang nagbigay kaya ako rin ang puwedeng bumawi.”“Wala kang isang salita.”“Abusado.”Sumandal si Prince sa gilid ng mesa at pinagmasdan siya. “Sabihin mo na lang na natatakot ka.”“Hindi ako natatakot sa iyo.”“Talaga?” Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. “Malakas lang yata ang loob mo kapag may photographer o nakatingin ang pamilya mo.”Napataas ang baba ni Stefie. “Anong ibig mong sabihin?”“Kanina, hinalikan mo ako dahil kailangan natin ng litrato. Ngayon, tayong dalawa lang.”“So?”“Prove it.” Kumibit-balikat si Prince. “Anyway, it’s just a kiss. Isipin mong practice para maging komportable tayo sa isa’t isa.”Para bang alam nitong madaling tamaan ang pride niya. Mas nakakainis dahil epektibo ang pang-uudyok nito.Lumapit si Stefie at hinawa
Nawala ang matamis na ngiti ni Eloise.Mabilis nitong binitiwan si Prince at napaatras. Namutla ito habang nakatitig kay Stefie na para bang ngayon lamang nito lubos na nakilala kung sino ang nasa harap nito.“Ikaw pala, Stefie Santillan. Hi!”Nagbago rin ang tono nito. Nawala ang lambing at napalitan ng pag-iingat.Tumayo si Stefie at lumapit kay Prince. Kumapit siya sa braso nito bago ngumiti sa babae.“Yes. At hindi niya ako ka-meeting. Ako ang future wife niya.”Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang idiin iyon.Napatingin si Prince sa pagkakapit niya rito. Sa halip na alisin ang kamay niya, ipinatong nito ang palad sa kanyang baywang.“Fiancée ko si Stefie,” pagkumpirma nito. “Nai-post na rin kahapon ang engagement announcement. Nakapagtakda na kami ng petsa ng kasal.”“Hindi ko pa nakita.” Pilit na ngumiti si Eloise. “Congratulations.”“Thank you,” masayang sagot ni Stefie, kahit hindi naman siya ang tinitingnan nito.Itinaas ni Eloise ang paper bag. “Nandito lang naman
Isang halik lang. Para sa litrato.Bumaling siya kay Prince at pilit na ngumiti.“Bilisan mo lang,” bulong niya. “Dampi lang. Walang dahilan para tagalan.”Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Ikaw ang huwag magpadala, Mahal.”Napakunot-noo siya. “Excuse me?”Hindi na siya binigyan ni Prince ng pagkakataong makapagreklamo. Hinawakan nito ang kanyang baba at inilapit ang mukha sa kanya.“Ready po,” sabi ng photographer.Sunod-sunod ang pitik ng camera.Dumampi ang mga labi ni Prince sa kanya.Sa simula ay maingat at kontrolado ang halik. Sapat lamang upang magmukha silang tunay na magkasintahan sa litrato. Walang init, walang pagnanasa, isang eksenang kailangan nilang gampanan para sa mga taong nakatingin.Ngunit nang ilapat niya ang palad sa dibdib ni Prince, naramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso nito.Humigpit ang hawak ni Prince sa kanyang baywang. Kumilos ang mga labi nito, at ang simpleng pagdampi ay naging mas malalim.Napakapit siya sa kuwelyo nito.“Perfect! Nakuha na p
“Mag-usap tayo nang tayo lang,” giit ni Mikael.“Ayaw ko.”Ikinumpas nito ang kamay. Lumapit ang isa sa mga tauhan at hinawakan si Stefie sa braso.Akmang aalisin niya ang kamay ng lalaki, ngunit nauna na si Prince.“Huwag mo siyang hahawakan.”Itinulak ng tauhan si Prince. Gumanti ito ng suntok na tumama sa panga ng lalaki. Sumugod ang isa pang tauhan. Nasalag ni Prince ang kamao nito, ngunit nakaganti ang unang lalaki at tinamaan siya sa kilay.“Prince!”Lalapit sana si Stefie, pero hinila siya nito sa likuran nito. Dumating ang dalawang bodyguard niya.Bago sumakay sa sariling sasakyan, nagsalita pa si Mikael.“Hindi matutuloy ang kasal ninyo.”Sumakay sila sa sasakyan. Sa likod na upuan, kinuha ni Stefie ang first-aid kit.“Hindi mo kailangang makipagsuntukan.”“Hinawakan ka niya.”“May security tayo.”“Part iyon ng act,” sagot ni Prince. “Tiyak na makararating sa daddy mo ang ginawa ko. Kailangan kong magpalakas sa kanya. Mas ligtas ang negosyo ko kapag gusto ako ng pamilya mo.”
Matapos ang pamanhikan, inihatid nina Stefie at Prince sina Celeste at Celia sa sasakyan.Bago sumakay, muling tumingin si Celeste sa mansyon. Sa may pintuan, tahimik namang nakatayo si Don Severo at nakasunod ang tingin dito.Hindi iyon tingin ng dalawang taong ngayon lamang nagkita.Pagkaalis ng sasakyan, nilapitan ni Stefie ang ama.“Daddy, nagkakilala na ba kayo ni Tita Celeste?”“Hindi.”“Mukha kang nakakita ng multo kanina.”“Pamilyar lamang ang mukha niya. Pareho kaming matagal nang nasa mundo ng negosyo.”Hindi kumbinsido si Stefie, pero tumalikod na ang ama niya.“Pagtuunan mo ng pansin ang sarili kasal mo.”Kinabukasan, sinundo siya ni Prince para mamili ng wedding rings. Ito ang nagmaneho.Ilang minuto pa lamang silang bumibiyahe, nanginginig na sa lamig si Stefie.“Ang lamig. Hinaan mo ang aircon.”“Ang init.”“Future wife mo ako pero parang nakikisakay lang ako.”“Exactly. Kaya matuto kang mag-adjust.”Pinandilatan niya ito, ngunit hindi na nakipagtalo. Medyo guilty pa ri







