Mabilis na hinila ni Daryl si Iris palapit, ibinalot ang braso sa kanya, tinakpan ang ulo niya.“Iris,” sigaw niya sa gitna ng ingay, “look at me.”Tumingin siya, takot, pero buo.“Nandito lang ako,” sabi ni Daryl, halos pabulong. “Hindi kita bibitawan.”Biglang umuga ng malakas ang eroplano.Parang hinigop pababa ang lahat.Hinigpitan ni Daryl ang yakap.At sa labas ng bintana, papalapit ang lupa,Masyadong mabilis para pigilan.Biglang bumagsak ang katahimikan sa loob ng private jet.Kasunod noon, isang malakas na kalabog. Parang may nagbanggaan sa harapan. Umuga ang eroplano, mas malakas kaysa kanina. May tunog ng metal na humahampas sa metal, at isang sigaw na tuluyang naputol.“Iris,” mariing tawag ni Daryl, sabay tumayo kahit halos mawalan ng balanse. “Stay seated.”Hindi na siya naghintay ng sagot. Tumakbo siya papunta sa cockpit, hinila ang emergency latch. Bumungad ang eksenang hindi niya kailanman inakalang makikita, ang piloto, tila wala ng buhay, nakasubsob sa gilid ng upu
Last Updated : 2026-01-05 Read more