Tumango si Iris. Ramdam ang suporta ni DarylLumapit ang instructor, inayos ang stance niya, hindi in-depth, hindi technical, puro basic safety cues. Si Iris, nanginginig, pero hindi umatras.“Hey,” bulong ni Daryl, nandun sa tabi niya, kamay niya nakapatong sa likod ni Iris, support lang, hindi control. “You can stop anytime.”Huminga si Iris. “Hindi. Gusto kong matuto.”At sa pagitan ng takot at adrenaline, lumingon siya kay Daryl, naghahanap ng reaksyon.Ngumiti si Daryl, yung ngiting may halong lambing at pride.“Kaya mo ‘yan,” sabi niya. “Mrs. Ramos.”Tumango si Iris. Pero nang oras na upang kalabitin ang gatilyo, nanigas ang balikat niya.“Breathe,” bulong nito, lumapit nang bahagya sa likod niya. “I got you.”Sumunod ang isang putok sa kabilang lane. Pero kahit hindi siya ang nagpaputok, napapikit si Iris. Kumurap siya, napahigpit ang hawak sa baril, parang may reflex na gustong tumakbo.“Hey,” boses ni Daryl, steady. “Look at me.”Lumingi si Iris, nanginginig ang labi. “Ang lak
Last Updated : 2026-01-24 Read more