Nagdalawang-isip si Iris bago sagutin ang tumutunog na cellphone.Tumango si Daryl bilang pagpayag na sagutin niya kahit hindi niya tinatanong.Huminga siya nang malalim, tumayo at lumayo ng konti saka pinindot ang screen.“Hello? Anong kailangan mo Harvey?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna, tapos isang hingang putol-putol. Parang pinipigilan ang iyak.“Iris…” basag ang boses ni Harvey. “Please… just listen.”Nanlamig ang mga daliri niya, pero hindi niya ibinaba ang tawag.“Nakikinig ako,” sagot niya, mahinahon.“I know it’s late,” mabilis na dugtong ni Harvey. “I know I messed up. Pero mahal kita. Mahal na mahal. Hindi mo pwedeng itapon ‘yon basta-basta. Ikaw ang first love ko na matagal ko ng hinahanap. At ako din ang first love mo, di ba?”Pumikit si Iris. Hindi dahil naaantig, kundi dahil nakakapagod.“Harvey,” sabi niya, mababa pero malinaw. “Hindi ko itinatapon ang kahit ano. Wala lang talagang tayo. Mga bata pa tayo that time. Marami ng nagbago.”“Pero pwede pa--” naputo
Last Updated : 2026-01-09 Read more