ログインDear readers, kung nagustuhan po ninyo ang ating kwento, pasuyo po ako ng rating at review sa mismong aklat. I am forever grateful for your support. Love you all!
Walang nagawa si Felicity kundi tanggapin na sasamahan siya ni Damon sa pagbalik niya sa Barangay Mabunga. Isang linggo pa naman bago iyon. Gagawa na lamang siya ng paraan upang makatakas dito.Kinaumagahan, init ang unang naramdaman niya bago pa niya tuluyang maidilat ang mga mata. Nakadikit ang likod niya sa dibdib ni Damon. Nakapulupot sa baywang niya ang braso nito, habang nakapatong sa hita niya ang isang binti nito.Hindi pala ito natulog sa sariling bahagi ng kama.Maingat siyang bumaling. Mahimbing pa rin ang asawa, walang bakas ng karaniwang kasungitan sa gwapong mukha nito. Bahagyang nakabuka ang mga labi at magulo ang buhok sa noo. Bumaba ang tingin niya sa braso nito. Litaw ang mga ugat mula kamay hanggang bisig.Maugat din ang ano nito.Nanlaki ang mga mata ni Felicity. Ano ba ang kalaswaang naiisip niya pagkagising?Sinubukan niyang alisin ang braso nito sa baywang niya, ngunit lalo lamang humigpit ang yakap ni Damon.“Thirty minutes, Fel,” ungol nito nang hindi dumidila
Hindi ang caretaker ang nasa labas.Dalawa o marahil tatlong tao ang magkakasunod na yabag na narinig ni Felicity mula sa direksiyon ng service road. Huminto ang mga yabag hindi kalayuan sa tent.Buti na lang at wala ng apoy ang bonfire.May kumalansing na metal sa gitna ng katahimikan.Ang kadena sa gate.Bumangon si Damon at kinuha ang jacket nito. Bago tuluyang lumabas, yumuko ito sa kanya.“Dito ka lang. Huwag kang lalabas.”Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Isinara nito ang tent at mabilis na naglakad patungo sa malaking puno malapit sa service road.Mula sa maliit na siwang ng tent, natanaw ni Felicity ang anino ng isang lalaki sa bukas na gate. May dalawa pang hugis na gumalaw sa dilim, ngunit natakpan ang mga iyon ng makakapal na halaman.Ano ang ginagawa ng mga iyon sa CocoLand sa ganitong oras?Dinampot niya ang cellphone at isinuot ang jacket. Hindi niya kayang manatili sa loob habang maaaring mapahamak si Damon. Yumuko siyang lumabas, ngunit ilang hakbang pa lamang an
“Wala akong plano. Baka ikaw ang may ibang iniisip.” Ngumisi si Felicity at nagsalin ng lambanog.“Huwag mo akong pakitaan ng motibo at papatulan kita.”“Threat ba ’yan?”“Warning.”Iniabot niya kay Damon ang baso.Hindi ito tumanggi. Isang shot ang ininom nito, kasunod ang isa pa nang kulitin niya. Kaunti lamang ang inilalagay ni Felicity sa sariling baso habang palihim na dinadagdagan ang laman ng baso ng asawa.Kailangan niyang mapatulog ito upang makapasok siya sa CocoLand kasama ang caretaker. Kapag nagtagumpay ang plano niya, makakakuha siya ng ebidensiyang magpapatunay sa tunay na operasyon sa loob ng plantasyon.Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga lugar na napuntahan nila. Ikinuwento niya ang unang camping trip niya noong bata pa siya, nang magdala siya ng maraming gamit kahit isang gabi lamang silang mananatili.Habang nag-uusap ay lumapit ang caretaker mula sa kubo. May dala itong flashlight at isang maliit na papel.“Sir, Ma’am, uuwi na po muna ako. Malapit lang naman ang baha
Hindi inalis ni Damon ang tingin sa lumang service road.Kinuha nito ang mapa mula sa caretaker at sinuri ang guhit na naghihiwalay sa farm at sa lupain ng CocoLand. Nagsimula ang daan sa bahagi ng farm na malapit sa kubo at nagtapos sa isang kalawangin at nakakandadong gate sa bakod.“Nasaan ang agent na nag-asikaso ng bentahan?” tanong ni Damon.Tinawag ni Donya Mercy ang agent na naghihintay malapit sa sasakyan. Lumapit ang lalaki at magalang na tumango.“Sino ang dating may-ari ng farm?” tanong ni Damon.Binanggit ng agent ang pangalan ng isang negosyanteng hindi pamilyar kay Felicity.“Bakit may service road na nagdurugtong sa property at sa CocoLand?”“Magkaibigan daw po noon ang dating may-ari ng farm at ang may-ari ng CocoLand,” paliwanag nito. “Pareho nilang ginagamit ang daan para sa pagdadala ng mga kagamitan at produkto. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan kaya ipinasara ang gate. Matagal na rin pong hindi ginagamit ang daan.”Yumuko si Damon at sinuri ang lupa. May mga
“Hindi na kailangan,” sabi ni Felicity. “Pauwi na rin kami.”“Hindi,” mariing sagot ni Damon. “Hintayin mo ako.”“Bakit?”“Susunduin kita.”Naputol ang tawag bago pa siya makapagtalo.Ibinaba niya ang cellphone at napatingin sa mesang kinaroroonan nina Stefie, Clarence, at Diane. Wala pang alam si Damon na naroon ang babaeng ilang taon nitong hinahanap.Mabilis siyang bumalik sa mesa at yumuko sa tabi ni Stefie.“Paparating si Damon,” bulong niya.Nawala ang ngiti nito. Palihim itong tumingin kay Clarence, saka kay Diane.“Anong gagawin natin?” tanong ni Felicity.“Teka, nag-iisip pa ako.”“Bilisan mo!”Uminom ito ng tubig. Kumuha ito ng tissue at tila pinunasan ang lipstick.Maya-maya lang ay napahawak si Stefie sa sentido. “Kuya…”Napalingon si Clarence. “Ano?”“Masakit ang ulo ko. Ilang araw na akong nahihilo at nasusuka.”Nanlaki ang mga mata ni Felicity. Napakahusay nitong umarte. Kung hindi niya alam ang plano, baka naniwala rin siyang may sakit ito.Tumayo si Stefie, ngunit mat
“Kaya mong lokohin ang lahat ng tao, pero hindi ako,” sabi ni Clarence. “Now tell me, anong masamang hangin ang nagdala sa ’yo rito?”Hindi natinag si Stefie. Inalis nito ang braso sa balikat ng kapatid at inosenteng ngumiti.“Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makasama?”“Hindi.”“Kuya naman. Bihira na nga tayong mag-bonding.”“Dahil lumalapit ka lang kapag may kailangan ka.”“Masama bang gustuhin kong makalaro ang kapatid ko?”Tinitigan ni Clarence si Stefie na tila hinihintay nitong umamin. Nang hindi nagsalita ang kapatid, ibinaling nito ang tingin kay Felicity.Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay sinusuri nito ang bawat galaw niya.“Sige,” sagot ni Clarence. “Isang game.”“Best of three,” mabilis na tawad ni Stefie.“One game.”“Fine.”Lumapit ang babaeng kasama ni Clarence, ngunit hindi man lang ito ipinakilala ng lalaki. Tahimik lamang itong tumayo sa tabi ng court habang inaayos ang hawak na paddle.Si Stefie na ang lumapit dito.“Ikaw si Diane, right? Nakita ko an
Maya’s hands trembled as she flipped through Camille’s medical folder.Inside was an ultrasound photo, but the name on top wasn’t Camille Montemayor. Her heart pounded. Pagbuklat niya, meron pang isa na nasa pangalan nito na kamukha ng resulta sa naunang papel. Hindi totoong buntis ito. Nagsinungali
“Maya! Lucas! Halika na, nagsimula na ang bonfire!” sigaw ni Divine.Nakahilera ang mga tiki torches, may gitara, at bote ng alak na umiikot. Sa gitna, may bonfire na unti-unting umaapoy at sumasayaw sa hangin.Music. Laughter. Waves. Everything felt like freedom.Maya sat beside Divine, trying to
“Close your eyes,” anang CEO. Sumunod si Maya.Lumapit ito at nilagyan ng piring ang kanyang mga mata.“Ipapadala ko po ang draft ng kontrata sa email,” aniyang ramdam ang malakas na tibok ng puso. “Anim na buwan lang po. Pagkatapos no’n, tapos na ang lahat ng ugnayan natin. Bayad na po ako sa lahat
“Let’s meet. Same time. Pero this time sa katabing coffee shop,” sabi ni Noah sa chat.Napasinghap si Jenny, agad na lumingon sa terrace kung saan may kausap si Sebastian. Mabuti na lang at abala ito. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa man siya nakakasagot, biglang nag-

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





