Agad na kumilos si Daryl. Mabilis niyang tinupi ang papel at sinuri ang buong kwarto, ang kama, ilalim ng unan, gilid ng headboard, pati ang sahig. Binuksan niya ang cabinet, sinilip ang banyo, ang balkonaheng bahagyang bukas ang kurtina. Tahimik, pero bawat hakbang ay may tensyon.“Iris,” sabi niya, mababa pero mariin, “tumabi ka sa akin.”Hindi na siya tinanong ni Iris. Sumunod ito agad, ramdam ang pagbabago sa hangin. Kinuha ni Daryl ang phone at tumawag.“Security, may nakapasok sa room namin. Anong klaseng pagbabantay ang ginagawa ninyo?” diretso niyang sabi. “Mag-imbestiga at hanapin kung sino ang pumasok dito.”Hindi siya sumigaw, pero mas nakakatakot ang tono. Ilang minuto lang, may kumatok. Dalawang security ang pumasok, sinuri ang paligid. Si Daryl naman, nakatayo sa harap ni Iris, parang pader.“Sir,” sabi ng isa, “i-che-check po namin ang CCTV.”Lumipas ang ilang sandali na parang oras. Bumalik ang security, seryoso ang mukha.“May pumasok po kanina, nagpakilalang staff. Ma
최신 업데이트 : 2026-01-18 더 보기