Lakad-takbo ako patungong gate ng university, nag-text na kasi sa akin si Abe at sinabing nakalapag na sila sa Claveria at patungo na ng bahay namin. Nag-attend ang lalaki ng board meeting sa DTM noong Martes kaya siya na rin ang kasama nina Inay at Ayah na umuwi dito.“Isla!” Boses iyon ni Lemuel. Nakita ko siyang papalapit sa akin pero hindi ko siya pinansin.“Isla, huwag mong papansinin iyang ex mo,” pagpapaalala ni Cath. “Kay Papa 15 ka na lang!”Napahinto ako maglakad at kunot ang noo na napatingin sa kanya. “15?”“‘Yung manliligaw mong mayaman! Sabi mo 15 ang cuteness niya, girl, baka mala-greek god na kaguwapuhan niyan?” kinikilig pang sabi ni Cath.Napangiti ako. Guwapo si Abe, pero hindi ko siya kinukumpara sa paraan ng mga nobela para ilarawan ang isang guwapong lalaki. “Malakas ang feature niyang Spanish, balbas sarado pero laging nag-aahit kaya malinis siya tingnan lagi. Magkakulay ang buhok at mga mata niya, chestnut brown. Maganda rin ang katawan niya at lagpas 6 feet ang
Last Updated : 2025-08-23 Read more