“Isla!”Napalingon ako kay Cath na kumakaway na lumapit sa akin habang karay ang isang matandang babae na sa tingin ko ay ang kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya.“Cath!” nakangiti kong bati.Nagyakap kaming dalawa at sabay na napatili, “This is it!”“‘La, siya po si Isla ang nag-iisa kong kaibigan dito sa school,” pagpapakilala ni Cath sa akin sa kanyang Lola na sa tingin ko ay halos 70 na ang edad.“Aba’y napakagandang bata naman nitong kaibigan mo, Catherina!” nakangiting sabi ni Lola.“Salamat po, lola. Kaya po kami magkasundo ni Cath kasi magkasing ganda po kami. Nagmana po ba siya sa inyo?” sagot ko sa matanda na nagpakinang sa mga mata nito.Hindi bola iyon. Maganda talaga si Cath-- morena, korteng puso ang maliit na mukha, maganda ang hubog ng katawan at nasa 5'2" ang height. Kumunot ang noo ni Cath. “O, asan ang nanay at kapatid mo?”Tipid akong ngumiti. “May check-up kasi sa Manila si Ayah. Hindi namin maipagpaliban kasi para kampante rin akong aalis sa Biyernes.”Naku
Last Updated : 2025-08-25 Read more