“Kahapon pa nila iyon ipinakita sa akin sa video. Hindi ko pinagalaw kasi alanganin ako sa hitsura,” paliwanag ni Abe.Hindi ako nagsalita. Nangangapa ako ng dapat sabihin. Pagkuwan ay napatingin ako sa aking pala-pulsuan pero wala pala akong suot na wrist watch. Inilipat ko sa kaliwang paa ko ang bigat ko sa pagkakatayo, pagkuwan ay inilipat ko ulit sa kanan.“Isla, payagan mo na akong bumaba. Please, love?” malambing nitong sabi.Napahugot ako ng malalim na hininga. Bakit ang hirap magdesisyon?“Aakyat din ako agad. Gusto ko lang talaga makasiguro para makagawa kami ng tamang plan for extraction,” pangungumbinsi ni Abe sa akin.“Abe, mag-iingat ka. Kapag may nangyari sa iyong masama…”Pinutol ng lalaki ang sasabihin ko. “Hey! I ensure the safety of our mining sites, tapos alanganin ka sa safety ko?”Nakagat ko ang bagang ko. “Gan’un mo ba dapat tingnan ang pag-aala ko ngayon?”Natahimik si Abe sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng inis. “If you are insisting, then just go ahead, Sir!
Last Updated : 2025-08-19 Read more