Pagbaba namin ng kotse agad kong napansin ang matandang lalaki na matiyagang nakatayo sa main door ng mansyon ng pamilya Dela Torre. “Señorito, welcome home po,” bati ng matandang lalaki na nakasuot ng itim na slacks at puting plain longsleeves. “Hermie, this is my wife Isla,” pagpapakilala sa akin ni Abe sa matanda. “Love, this is Hermie our butler, also the grandfather of Harris.”“Nice meeting you po, Sir Hermie,” nakangiti kong bati.Rumehistro ang pagkataranta sa mukha ng matanda. “Hermie lang po, Señorita. Hermie lang po.”“Isla din lang po,” ganting sabi ko na sinabayan ko nang ngiti.Kumunot ang noo ng matanda at aburidong napatingin kay Abe. “She’ll get used to it,” komento ni Abe at tiningnan ko na lamang siya para hindi na humaba ang isyu.Binuksan ng matanda ang dalawang malapad na pinto. Sa hitsura at lapad ng mga itinulak niyang pintuang kahoy ay halatang gawa ang mga ito sa mamahaling uri ng hard wood na para bang sumisimbolo sa mga taong naninirahan sa magarbong taha
Last Updated : 2025-08-12 Read more