Parang gusto ko nang manapak ng kapwa ko babae. Sinamaan ko siya nang tingin at saka nagpilit na pumasok. Pinigilan niya ako pero hindi ko siya pinansin kaya sinundan niya ako sa loob.“Miss, if you want to have breakfast here, I will arrange a table for you,” ani ng babae na hindi ko pinapansin dahil busy ako para hanapin ang magaling kong asawa na sinasabi ng mga taga-frontdesk na kumakain na daw ng almusal kasama ang totoong asawa niya.Sa gitna ng restaurant ay nakita kong nakaupo si Abe sa pang-apatan na mesa at may kaharap na blonde na babae. Lumakad ako papalapit para makita ang mukha ng babae. “Miss, if you will not come with me outside the restaurant, I will call security,” pananakot ng babae sa akin.“Then go ahead,” sagot ko sa babae nang hindi siya nililingon.Hindi pa rin ako nakikita ni Abe kahit na nasa limang dipa na lamang ang layo ko sa kanya dahil busy siya sa pakikipag-usap sa sinasabi ng frontdesk na totoong asawa niya. Mahina ang boses ng dalawa kaya kahit malapi
Last Updated : 2025-08-30 Read more